Chapter 1

79.7K 1.6K 83
                                    

"Akin na kasi!" Sigaw ko kay Jhersel habang hinahabol ko siya.

Tuloy ang tawa niya habang tumatakbo kung saan nakaupo sila Doms at Ethan.

"Kunin mo nga eh!" Sigaw niya pabalik at tinignan ako bago tumawang muli.

Ugh! Peste 'tong si Jhersel! Pagod na ako kakahabol sakaniya ah! Huminto muna ako sa paghahabol at nilagay ang dalawang kamay ko sa tuhod ko habang humihinga.

Nakita kong napatingin sakaniya si Doms at Ethan na naka-kunot ang noo. Winagayway naman ni Jhersel ang cellphone ko.

Ngumisi naman si Ethan at sumenyas na ibato sakaniya. Binato naman ni Jhersel ang cellphone ko na akala mo'y laruan lang. What the?! Nang masalo ito ni Ethan ay sumenyas agad ako kay Doms na kunin ang cellphone ko. Nagets niya naman iyon kaya nung patayo na sana si Ethan ay hinablot agad ni Doms ang cellphone ko.

"Oh ano papalag ka?!" Bulyaw sakaniya ni Doms ng tumayo ito at akmang kukunin ang cellphone ko.

Agad namang umiling si Ethan at tinuro ang gilid ni Doms.

''May pinisat lang ako na lamok sa gilid mo. Alam mo naman na ayaw kong may nadadapong kung anomang insekto diyan sa balat mo, babe, eh 'di ba?'' 

Ngumiti na lang si Doms at bumaling saakin bago ako lapitan at ibigay ang phone ko.

''Thank you, Doms!'' Masaya kong wika at niyakap siya.

''Maliit na bagay,'' Aniya.

Ngumiti na lang ako sakaniya at pinuntahan agad ang messages ng inbox ko at rereply-an na sana si Blake ng biglang may tumawag/

HIM

Napangiti agad ako. Parang ilang minuto lang talaga hindi nakapagreply eh.

Sinagot ko naman iyo agad.

''Hello?'' Bungad ko.

''Why are you not replying?'' Inip ang boses niya habang binibigkas ang mga salitang 'yun.

''Tinakbo ni Jhersel cellphone ko, eh.'' 

''Tss, paepal talaga. So where are you?'' 

''We're here at the Garden. Kayo? San na kayo?''

''On the way there. Gonna meet you there,'' Aniya

''Okay,'' Sagot ko.

''Ibaba mo na. Ayokong ako ang magbababa sounds rude.'' 

Tumawa naman ako, ''Okay, Garcia.'' Sagot ko at binaba na nga ang tawag niya.

Tumayo naman ako sa gilid ni Jhersel na ngayon ay nakasandal sa bench.

''Ano? Napagod ka?'' Tanong ko sakaniya.

''Nah, boring. Ba't pa kasi biglang nagkaron ng meeting eh.''

''Ayaw mo nun? Saya nga eh! Walang lessons! Walang nakakahilong numbers na dapat isolve!''

''Mas masayang makita ka na nagsisimangot dahil hindi magets ang formula nun!'' Aniya at tumawa.

Bumusangot naman ako sakaniya. 

''Grabe ka ha! Ang hard mo sa'kin! Kanina ka pa!'' Bulyaw ko sakaniya.

Tumawa naman siya at umiling habang ako naman ay nakasimangot pa rin sa gilid niya. Asaaar!

Nagulat ako ng maya maya ay may umakbay saakin.

''Oh? Bakit nakasimangot ang asawa ko?'' 

Asdfghjkl! :'''''''''''''''''''> I kennat. My heart! Huhuhu. Hindi ko pinahalatang kinikilig ako. I bit my lower lip to control myself to smile.

Campus QueenWhere stories live. Discover now