Iyong galit ko kay Dastan, ramdam na ramdam ko pa rin, nais ko siyang saktan nang paulit-ulit, gusto kong gamitin ang mga punyal ko sa kanya at sumbatan siya ng walang katapusan. Ngunit... itong mga braso kong nakayakap sa akin, hinihiling ko na sana'y sa kanya.

"L-Leticia..." si Kalla ang siyang unang nagkaroon ng lakas ng loob sa kanilang dalawa.

Hindi ako kumibo o binigyan ng indikasyon ang dalawa na magpatuloy, ngunit ng mga oras na iyon, buo na ang loob nilang dalawa na kausapin ako.

Naupo sila sa magkabila ko habang nanatili akong nakasubsob sa aking tuhod.

"Alam naming hindi nararapat sa aming lahat ang mabilis na kapatawaran..." panimula ni Claret.

"Ngunit nais naming malaman mo na ang laban mo, ang laban ng hari ay laban din naming lahat..." dagdag ni Kalla. Humigpit lamang ang pagkakayakap ko sa aking sarili.

Nais ko sanang manatiling tahimik at hindi na sila pansinin, ngunit sasayangin ko ang nalalabing oras na payapa pa ang paglalakbay namin.

"Sa paglalakbay ko... galit ang nabuo sa puso ko, galit sa kinikilala n'yong hari. Galit sa inyong lahat. Pinadama n'yo sa akin na tinalikuran ako... na iilan na lang ang naniniwala sa akin. Mga naniniwala na may kani-kanilang din matataas na sinusunod. Habang naglalakbay ako... para akong nag-iisa at unti-unting pinapatay."

"L-Leticia..." usal ni Claret.

Nag-angat na ako ng tingin sa kanya at ang mga mata ko ay nanunumbat, ganoon din ang ibinigay ko kay Kalla. Naroon siya nang nagtungo ako kay Dastan at narinig ko ang pag-uusap nila ni Alanis.

Kung hindi galing kay Dastan ang bata sa sinapupunan ni Alanis, bakit ganoon na lang ang pag-aalaga niya sa kanya? Bakit labis ang pag-aalala ng mga Gazellian sa kanya?

"Si Alanis... ang mga nakita ko... ang mga narinig ko. Paulit-ulit kong narinig kung paano halos magmakaawa si Dastan kay Alanis para gawin ulit— sinabi niyang kailangan niya ulit ang babaeng iyon--"

Nakagat ni Kalla ang kanyang pang-ibabang labi.

"King Dastan is using her for—"

Lumaglag ang balikat ko. Kung ganoon ay may nangyayari nga?

Nang makita ni Claret ang reaksyon ko ay marahas siyang umiling sa akin at hinawakan niya ang aking mga kamay.

"M-Mali ang iniisip mo, Leticia. King Dastan is using her to hide you, to whisk you away from the empire's attention, to protect you and the child..." halos hindi maipinta ang mukha ko sa narinig ko.

Dapat ay maging masaya ako. Hindi sa kanya galing ang bata at pinuprotektahan niya ako, pero ang malamang ang paraang ginawa ni Haring Thaddeus ay ginawa rin ni Dastan.

"Ako, si Kalla... at ang lahat ng babae sa palasyo'y pilit na tumutol, Leticia. Alanis is a good person. She and her child does not deserve the pain. I've witnessed the same situation, hindi man sa akin nangyari ngunit tila sarili ko iyong bangungot. Danna and Desmond are enough... but Alanis... her love for our King is unbeatable that she's willing to brandish herself in the spotlight while you were in shadows." Mahabang eksplanasyon ni Claret.

"P-Paano niya nagawang ulitin ang pagkakamaling ginawa ng sarili niyang ama? Hindi niya ba nakita ang paghihirap nina Desmond at Danna? Hindi niya ba nalalaman na hanggang ngayon ay walang buhay ang biktima ng sakripisyong ginawa ng kanyang ama?!" sigaw ko. Wala na akong pakielam kung marinig iyon ng tatlong Gazellian na nasa likuran.

"That's the biggest flaw of the Gazellians, when it comes to their mates... they tend to become selfish. Sobrang makasarili na wala na silang makita kundi ikaw." Mahinang sabi ni Claret.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now