PROLOGUE

114 35 20
                                    

Nagawa mo na bang tumawa kahit hindi ka masaya?

Nagawa mo na bang ngumiti kahit may luhang umaagos sa'yong mga mata?

Nagawa mo na bang manatili ng hindi nag pipilit kumawala sa hawlang pinag lagyan sa'yo ng 'yong mga magulang?

Sabi nila, "MOTHER KNOWS BEST" at s'yang tunay hindi ba?

Sabi nila, " Alam ng magulang kung anong makakabuti sa'tin" at s'yang tunay hindi ba?

Oo, tama
.
.
.
.
.
.

Pero ~

Paano kung ang ikakasaya mo, ay ang s'yang pinag babawal ng magulang mo? susunod kaba?




•••••


Ako si Pzynel Arculisyt, labing pitong taong gulang. Kilala bilang matalino, maparaan, masayahin, at masunuring dalaga sa aming bayan. Oo, kilala ako ng marami dahil sapul pagkabata ko'y nasubaybayan nila, sabi ni ina, dalawang taong gulang palamang ako sinasama na n'ya ako sa lahat ng gayak n'ya kung kaya't bawa't lugar dito sa amin ay kilala ako, wala akong maitatago kung nanaisin ko, lumaki akong malaya, masaya, magalang, at may malaking tiwala sa lahat.

"H'WAG KANG SUSUWAY SA'YONG INA DAHIL ANG NAIS N'YA LAMANG AY ANG MAKAKABUTI SA'YO"  katagang kahit kailan ay hindi ko malilimutan, dahil 'yan ay iisa lamang sa mga huling pangaral ng aking lola bago s'ya mamaalam, kaya wala akong ibang ginawa kung sumunod sa bawat bawal ng aking ina, kahit masakit sa aking kalooban ay sinusunod ko parin, dahil naniniwala akong para naman 'yon sa ikakabuti ko.

Bawat taon na nadadagdag sa'king edad, mas lalong lumalawak ang aking pang unawa't pag iisip ngunit hindi ko parin nakaka limutan ang mga aral na iniwan ng aking lola. Ngunit bawat taon rin na nadadagdag sa'king edad mas napapaisip ako kung dapat pa ba akong sununod sa aking ina, kung para parin ba sa ikakabuti ko ang bawat pag babawal n'ya dahil kapalit nito ay ang aking mga kasiyahan.

Alam kong masama ang sumuwa'y sa magulang, ngunit paano? paano kung mismong ang kaligayahan mo ang kapalit? paano kung hindi kana masaya? paano kung pakiramdam mo ikinukulong kana sa hawla? paano kung ang sarili mong ina, ang maglalayo sa'yo sa realidad at pakiramdam ng pagiging malayang dalaga?


"H'WAG KANG SUSUWAY SA'YONG INA DAHIL ANG NAIS N'YA LAMANG AY ANG MAKAKABUTI SA'YO"





Makabubuti pa nga ba?




O, makakasama na.








"Ako si Pzynel Arculyst, labing pitong taong gulang at bawat taon na nadadagdag sa aking edad nalalayo ako sa masayang realidad"

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now