Kabanata 2

5 2 0
                                    

Kabanata 2

Room

"Wala na kasing pwesto dyan, hija..." sabi ulit ni aling Claring.

"A-ah wala na po ba kayong ibang alam na puwede kong tirahan?" tanong ko kay aling Claring at kay kuya Bert na guard.

Nagkatinginan ang dalawang mapinsan na ipinagtaka ko.

"Mayroon naman, hija."

Nabuhay naman ako ng loob tungkol doon.

"Talaga po? Eh saan naman po?"

"Kay ate Claring din yon, hija. Doon sa may village dyan sa malapit. Malalakas mo parin naman ang eskwelahan..." sabi ni kuya Bert.

Nandito naman ako at sumang-ayon kaagad.

"Ang kaso nga lang, hija eh may kasama ka doon. Kwarto kasi yon pero mapagkakatiwalaan naman yung makakasama mo doon." si aling Claring.

"Tama, hija. Isa pa, hindi rin naman kayo magkikita ng madalas," napaisip si kuya Bert. "Ika nga eh... Once in a blue moon."

"Talaga po? Eh bakit naman po?" kuryosong tanong ko.

"Ay naku, isa wag kami ang tanungin mo. Hindi nga namin alam kung tumitira pa yon don. Nagbabayad pa ng renta by gcash nga lang."

"Ahh.. Eh magkano nga po pala renta ko don?"

Nagkatinginan na naman ang mapinsan kaya nawiwirduhan nako sa kanila. Ang kaso nga lang no choice ako eh.

"1,200 a month. Ayos lang kahit hindi ka na mag-advance."

"Talaga po? Thank you!"

"Walang ano man, hija," bumaling si aling Claring kay Manong Bert. "Pakialaman na nga Bert."

Nginitian ako ni kuya Bert. "Halika na?"

Tinanguan ko siya ay sinundan. Maya maya nagsalita siya ulit.

"Ano nga palang pangalan mo, hija?" tanong niya.

"Zuri po... "

"Magandang pangalan..." bumuntong hininga siya bago bumaling sa direksyon ko. "Pero mali yang ginawa mo."

"Po?"

"Mali yang ginawa mong pagtakas sa magulang mo..."

"Sasabihin ko din naman po sa Daddy ko to."

"Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo, hija. Tama nga yan sabihin mo sa magulang mo."

Tinanguan ko si kuya Bert. "A-ah kuya... May alam ka bang pwedeng pasukan ng mga estudyante dito?"

"Meron... Tamang-tama sa KFC tumatanggap sila."

"Naku! Salamat naman..."

Huminto kami sa isang parang maliit na hotel na puro kwarto lang at walang Reception area pati na lobby.

"Dito..." lumapit si kuya sa guard na naroon. "P're sa Room 106."

Nagsulat ang guard sa logbook na naroon at tumingin sa akin.

"Pangalan mo, Miss?"

"Zuri po... Zuri Lincoln..."

"Ah siguro ikaw na magfill- up nito."

Habang nagsusulat pinaliwanag ni kuya Bert kung bakit kailangan yon.

Para raw iyon sa seguridad ng mga nakatira at para hindi nakakapasok ang kung sino-sino.

Ang Room 106 ay nasa 4th floor. Hanggang 5th floor ang building at pang-anim na ang rooftop. Gaya sa hotel puro magkakasunod na pintuan ang makikita mo ang kaso nga lang pare-pareho ang sukat ng kwarto at walang staff.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Mysterious RoommateWhere stories live. Discover now