IHBP two

9K 211 4
                                    

ALY’s P.O.V

Kamusta naman na inabot ako ng fifteen minutes para lang sa paghahanap ng isang room. Kung hindi ko pa nakasabay ang isang prof at isang estudyante din ata… baka naghahanap pa din ako.

“New student ka din?” tanong nung estudyante din.

“Yeah… fresh graduate in high school… you?”

“Same as yours… I bet… hindi ka basta ordinary lang… I mean… napakatalino mo siguro… kasi naipasa mo yung entrance exam ng school na to.” Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa classroom.

Yes, merong entrance exam ang academy na to… and I took it… luckily naipasa ko naman siya… kahit karamihan sa tanong dun hindi ko pa napag-aaralan… pero nabasa ko.

Madami kasing libro sa bahay… lalo na sa library ni Dad… at kapag wala akong ginagawa kumukuha lang ako ng libro dun para basahin.

“Hindi naman… nagkataon lang na nagreview ako the day before the exam… baka ikaw jan.”

“Hindi din… karamihan lang sa tanong natutunan ko na nung high scholl yung iba naman nabasa ko na sa mga libro.” Nakangiti pa niyang sagot.

Parehas pala kami ng isang to… mahilig magbasa ng libro. Sa isip ko.

“By the way… Julia Melissa Morado nga pala… Jia na lang for short…enrolled as A.B Pyschology student.” Huminto pa siya sa paglalakada at humarap sa akin na nakalahad ang kamay.

Syempre, napahinto din ako sa ginawa niya.

“Alyssa Valdez… Aly or Ly na lang… A.B Pyschology student din.” Nakangiting tinanggap ko yung nakalahad niyang kamay.

“Parehas pa pala tayo ng course… kaya mapapadalas yung pagsasama natin… cool.” May mahina pa iyong pagtawa.

Sasagot pa sana ako… kaya lang tinawag na kami nung prof… medyo malayo na pala yung agwat namin sa kanya… kaya kaming dalawa napatakbo pa ng wala sa oras.

“Class 2A.” mahinang basa ko dun sa nakasabit sa itaas ng kwartong pinasukan nung prof na kasabay namin.

Napag-alaman ko kasing siya yung magtutro dun sa unang klase ko ngayon… kaya nga sinabay na niya ako papunta dun sa room na yun.

“Okay class… bago tayo magsimula… may gusto muna akong ipakilala sa inyo..” nagstep aside pa siya para kami ni Jia ang nakaharap ngayon sa mga estudyante.

FILLE’s P.O.V

What a great start of our sophomore year… bakit naman kasi sa dinami-dami ng klaseng mapapabilangan ng grupo namin… ay dun pa sa klase na kabilang din yung mga taong kinaiinisan namin.

Sa totoo lang, ako at si Den lang naman ata ang hindi natutuwa sa nakuha naming klase eh… paano sina Mela at Ara sobrang excited na pumasok, makakasama na kasi nila sa iisang section yung taong palihim nilang minamahal.

Hindi naman kasi lingid sa grupo namin na may gusto ang dalawang yun kina Shiel at Kim na miyembro ng royalty group.

While in Bestfriend Dzi’s case, walang kaso sa kanya kung saang room kami mapapabilang… as long as magaling yung prof na magtuturo okay lang sa kanya.

“Gosh… I really can’t believe na sobrang abot kamay ko na si crush.” Sabi ni Mela ng makapasok kami sa room na kakabilangan namin.

I Hate being the Princess (AlyDen ft. JiaMich, FilleChen, FaTunay, Bara, ADzi and the rest of ADMU and DLSU WVT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon