IHBP nine

9K 216 2
                                    

ALY’s P.O.V

Ano pa ba ang hindi ko alam sa buhay ko? Ano pa ba ang gulong idudulot ng pagtungtong ko sa Royal Dream Academy na to? Ano ba ang nagawa ko para pahirapan nila ako ng ganito?

Mga katanungan sa isipan ko.

Hindi ko na alam kung papaano pa ako mabubuhay matapos ang mga nalaman ko.

-FLASHBACK-

(Timeline nung sinundo siya ni Mang Ben)

May bisita ba na maharlika ang magulang ko? Bakit maraming bodyguard sa labas? Sa isip ko.

Paano sa labas ng bahay namin kalat ang bodyguards… halos bawat kanto may nagbabantay.

Ikinagulat ko pa nung papasok ako ng gate yumuko silang lahat… na akala mo nagbibigay ng galang sa isang prinsesa.

Meron pa ngang nagbukas ng pinto for me… kaya ang unang nakita ko sina Daddy na kausap ang HARI.

Anong ginagawa niya sa bahay namin? Sa isip ko.

“Alyssa anak… mabuti naman at nandito ka na… halika dito… maupo ka… may pag-uusapan tayong napakahalagang bagay.” Pagtawag sa akin ng aking ama.

“Opo.”

With all confusion sumunod ako sa sinabi niya… naupo ako sa tabi ni Mama… si Papa naman sa tapat namin… samantalang yung hari nasa may center chair nakaupo.

Sinimulan kong iikot ang paningin ko sa kanila… at lahat sila nakatingin lang din sa akin… which makes me more unease.

“Ano pong meron bakit ninyo ako pinasundo kay Mang Ben?” pagbabasag ko sa katahimikang bumabalot sa sala.

“Pag-uusapan nating ang tungkol sayo.” Sagot ni Daddy. Si mommy naman hinawakan lang ang kamay ko.

“Sa akin po? Ano po ang tungkol sa akin ang dapat nating pag-usapan?” naguguluhan na talaga ako. Lalo pa at nandito ang hari pero ganito ang gusto nilang pag-usapan.

“Alyssa, I want you to meet… King Harold… My father.”

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

King Harold… my father.

Ano daw? Papa ni Daddy ang hari ng bansa? Sa isip ko.

“Magbigay galang ka sa lolo mo.” Rinig kong bulong ni Mommy sa akin… kaya napatingin ako sa kanya na puno ng pagtatanong ang aking mga mata… pero bukod tanging tango lang ang sinabi niya.

Kaya naman kahit na hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ang nangyayari… nagbigay galang ako sa taong nasa harapan ko.

“Anak alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari ngayon… sana pakinggan mo ang paliwanag ko.” sabi ni Dad nung makaupo na ulit ako.

Tinignan ko lang siya ng walang kahit anong emosyong mababakas sa mukha ko.

“Hindi ko ginusto na ilihim sayo ang tunay mong pagkatao… pinrotektahan lang kita… pero anak karapatan mong malaman ang bagay na to kaya namin sayo sinasabi ngayon… hindi para guluhin yung isipan mo… kundi para makilala mo ang pinakamahalagang tao sa buhay ko maliban sa inyo ng mama mo… I know it so sudden, pero Ly you are not an ordinary teenager as what you think you are… ikaw ang Prinsesa ng bansang to.” Paliwanag ni Daddy with all pleasing voice and looks.

I Hate being the Princess (AlyDen ft. JiaMich, FilleChen, FaTunay, Bara, ADzi and the rest of ADMU and DLSU WVT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon