tinatamad ako

282 11 1
                                    

hi i'm jane dimansala 1st year college taking business ad. nasa room ako ngayon at walang teacher well average girl lang naman ako di masyadong matalino, di masyadong matangkad, di masyadong mataba/mapayat, di masyadong pangit sakto lang at meron dito sa room isang lalaki na almost perfect na kundi lang laging masungit sakin. crush ko nga to eh. eto nanam--

"HOY JANE! MAG PA XEROX KA NGA NITONG REVIEWER NATIN SA DADATING NA EXAM!" sabi nya sino pa ba masungit sa sakin? sya si jc " john carlo'' ang president namin dito ako nanaman na kita

"huuu! ayoko nga! aba pinalaki ako ng nanay at tatay ko na prinsesa ako at ikaw! uutsutusan mo lang ako?! siniswerte ka! tsaka ayoko tinatamad ako" sabi ko at nag lagay ng earphones sa tenga ko pero walang sounds hihihihi

"ano ka ba naman?! lahat nalang ng inuutos ko sayo di mo sinusunod ano ba naman gusto mo?! etong school hindi ito bahay! kaya wag mong itutulad yung sarili mo dito at sa bahay nyo! tsaka malaki ka na! simpleng utos lang di mo pa magawa?! gaano ka kairesponsable?!" sabi nya at dun napantig ang tenga ko. ano ba naman ito ang sakit naman ng sinabi sakin! lahat ng ka block namin nakatingin sa amin ang tahimik di ko alam gagawin ko kaya tumayo nalang ako at tumingin sa kanya ng cold at galit 

"eh yun naman pala eh, alam mo naman na hindi ako sumusunod sa inuutos mo bakit ako pa inuutusan mo? tanga ka ba? malamang oo kasi paulit ulit nalang na ganito eh, uutusan mo ako di ako susunod, magagalit ka kasi sinasabi ko tamad ako, tsaka ikaw narin nag sabi simpleng utos lang kung simple lang pala bat di mo magawa? tamad ka ba? tsaka ang dami daming pwedeng utusan dito bakit ako pa? bakit yung tamad pa inuutusan mo? ano ba nagawa ko sayo?" sabi ko at naiyak na tsaka ko kinuha ang bag ko at lumagpas sakanya pero bago ako makaalis na hawakan nya na ang braso ko at pinaharap sakanya 

"sorry na, sorry talaga, lagi mo nalang sinasabing tamad ka, bakit ako? tinatamad ba akong mahalin ka? sorry ah? kung ikaw lagi nakikita ko? kasi alam ko makakausap mo ako at kahit papano makukuha ko atensyon mo? nag seselos lang naman ako minsan kaya kita inuutusan na kesa makipag usap ka sa lalaki gawin mo nalang inuutos ko, sorry ah? kung nasisigawan kita? masyado ka kasing manhid dahil hindi mo alam na nandito ako sa tabi mo lagi nilalagpasan mo lang" sabi nya at nakatingin ng diretso sa mata ko tsaka nya pinahid ang luha ko bigla nalang may sumigaw si arman

"YUN NAMAN PALA JANE YIEE!" sabi ni arman

"ako rin naman, kaya sana wag kang ganyan nahihirapan ako eh" sabi ko

"so pwede kitang ligawan?,, ay i mean liligawan kita :) and i don't need your opinion basta liligawan kita" sabi nya at kinangiti ko naman tsaka ko narinig ang tilian ng mga kaklase namin at palakpakan inakap ako ni jc at bumulong sakin

"Iloveyou ms. tamad" sabi nya at ngumiti ako at sabi ko rin

"iloveyoutoo mr. tamad" sabi ko, kasi diba utos sya ng utos ibig sabihin tamad din sya

~THE END~

HE END~ 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One shot story (tinatamad ako)Where stories live. Discover now