Prologue

27 6 7
                                    

Prologue

"Alam mo ba Ayah , may idea na ako sa storyang isusulat ko"

Sabi ko sa isa sa matalik kong kaibigan.

Halos sabay na kaming lumaki nito parang kapatid ko na kung tratuhin namin ang isa't-isa, maganda siya, at friendly. Habang ako hindi na nga kagandahan ang tahimik pa.

Maingay naman ako kapag kami-kami lang ng mga kaibigan ko pero talagang tahimik ako sa mga taong hindi ko gaanong kilala.

Nandito kami sa canteen ng school namin, Nakaupo kami sa bandang entrance para kapag nagbell na madali lang makalabas, para kasing mga zombie tong mga kaschoolmates namin dumog ng dumog parang nasa rally. Hindi naman kataka-taka ang ganitong scenario sa school nato hindi kasi kalakihan dahil pareho-pareho lang naman kaming nag-aaral sa public school.

"What it is all about?"

"Well, storya siya ng dalawang babae na mula sa magkaibang panahon"

Matagal ko na talagang gustong simulan ang storyang ito, matagal ko ng napag-isipan ang mga plot twist na gagawin pero pano, sa tuwing humaharap na ako sa computer parang may nararamdaman akong mali. Gusto kung simulan, gusto kong isulat at gusto kong tapusin.

"So, anong takbo ng storya kung ganon? Sila ba ang magkakatuluyan"

"Ewww, hindi nohhh basta isusulat ko nalang at tatapusin para mabasa mo"

"Tskk. Matagal kanang nagsasabi ng mga ideas mo tungkol diyan sa mga storyang isusulat mo pero hindi mo pa naman nasisimulan"

"Like duhhh, di ba nasabi ko naman sayo kaya hindi ko natutuloy kasi parang may mali sa mga ideas ko at syaka nalilimutan ko kasi ang daloy ng storya ng mga 'yon"

"Sabihin mo nalang na tinatamad ka, at syaka paano mababasa ng buong mundo ang likha mo kung mismong ikaw nalilito sa mga daloy ng storya mo o baka kulang ka lang sa experience sa pag-ibig"

Pinanlakihan ko siya ng mata bago kurutin, totoo nga naman hindi ko pa sigurado ang daloy ng storya, wala pa akong experience sa love, may naging boyfriend naman ako pero hindi yung seryoso talaga. Siguro kailangan ko munang hintayin na magkaroon ng experience sa pag-ibig bago magsulat ng love story.

"Alam mo may point ka, so hindi muna ako magsusulat ng love story ang isusulat ko ay 'yong pang pamilya, pang kaibigan, at pang estudyante yung mga scenario na naexperience ko na. What do you think?"

"Duhh whatever, Ylla". Ginagaya ang tono ng boses ko

Tuwang-tuwa ako sa napag-usapan namin ngayon minsan kasi puro mga ex niya ang napag-uusapan, hindi naman sa naiinggit ako pero maswerte kasi siya at sinusuportahan siya ng mga magulang niya sa pakikipagrelasyon sa murang edad. Mabuti pa tong kaibigan ko at nakaexperience na sa pag-ibig habang ako ito tunganga pa rin. May mga pumuporma din naman sakin pero hindi ko na pinapansin masyado, focus kasi ako sa pag-aaral dahil gusto kong mamaintain yung mga grades ko para walang madissappoint isa sa mga magulang ko.

At natatakot akong magmahal, ay hindi natatakot akong masaktan, alam ko naman na parte ng pagmamahal ang masaktan pero masyado akong duwag para gustohing maranasan yun, ayokong madistract sa pag-aaral ko, ayokong mabaliw para lamang sa isang lalaki, at lalong-lalo na ayokong dumating sa puntong malalaman kong pinaglalaruan lang ng isang lalaki ang feelings ko.

Masyado pa akong bata para maranasan ang mga ganyang bagay, isa lamang akong hamak na grade 10 student at wala pang napapatunayan sa sarili.

"Woii natahimik ka?"

"Duhh naisip ko lang ang mga scenario na isusulat ko, bakit ba?"

"Duhh ka din, kanina ka pa tinatawag ni Lance ohh"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unfinished storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon