Epilogue

45.1K 614 55
                                    

"Pwede ko bang makarga ang apo ko?"   

"Opo naman po" Hindi pa man ganoon na lubos na pinapatawad ni Gino ang Mommy niya atlis ok na rin na hindi niya na ito ganoong kinamumuhian.

Dalawang taon na rin ang nakakalipas, isang taon na kaming kasal ni Gino. Hindi naging ganoon kadali ang pinagdaanan namin pagkatapos ulit naming magkaayos.

Nalaman ng pamilya ko kung ano ang nangyari kaya pagkatapos kong manganak ay kinuha muna nila ako. Nagalit sila kay Gino, pero nakakatuwang hindi sumuko ang ama ng baby ko para mabawi kami. Ginawa niya ang lahat para mabalik ang tiwala ng parents ko lalo na ng kuya ko na hinintay pa talaga naming makababa ng barko bago niya kami makuha ng lubusan.

Ilang beses ring sumugod sa akin si Dhin ng malamang nagkabalikan kami at dahil sa takot na mapahamak kami ng baby kinausap na siya ng masinsinan ni Gino kung hanggang saan sila. Siguro dahil na rin sa kailangan ng mahabang panahon para makapag move-on nagresign si Dhin at nagpunta ng Macao.

"Salamat Andrea" naluluha na naman ang Mommy ni Gino. Nandito kami sa isang restaurant. Kapag gusto niyang makita ang apo niya nagpapaalam pa muna siya kay Gino dahil alam niyang may konting galit pa ito. Hindi siya pumupunta sa bahay dahil ayaw niyang mailang ang anak niya sa sarili nitong pamamahay. Isa lang ang naging hiling ni Gino sa pakikipagkita nito sa amin. Kung makikipagkita siya sa apo niya huwag na huwag niyang isasama ang kinakasama nito dahil dalawa lang daw ang ituturing ng lolo ng anak namin at hindi kasama doon ang kalaguyo nito. Agad namang sumang ayon si Mommy Jonna sa anak.

"Ma. Huwag po kayong umiyak. Lagi na lang kayong umiiyak kapag nagkikita tayo, baka isipin ni Gianna iyakin ang lola niya" napangiti siya sa sinabi ko.

Si Gianna Monika L. Villafuerte ang apple of the eye ng buong pamilya ngayon halos lahat ng miyembro ng pamilya iniispoil siya at medyo kinakabahan ako sa ganon lalo na kay Gino na sa nakikita ko mukhang  gagawing Prinsesa talaga si Gianna.

"Masaya lang ako at nakita ko na naman ang pinakamaganda kong apo." Hinawakan niya ang pisngi ni Gianna. Nagkukwentuhan lang kami ni Mommy ng tumawag si Gino at nasa labas na ito para sunduin kami.

"Sige na, mauna na kayo at ayaw pa naman nun ang pinaghihintay siya." Tumango na ako at kinarga na si Gianna. Pero niyakap niya muna ng mahigpit ito bago kami pinakawalan.

"Hi Baby Princess" agad na hinalikan ni Gino ang bata.

"Hindi ka ba magpapaalam sa Mommy mo?" Tinignan niya ako.

"Itetext ko na lang siya" napangiti ako sa sagot niya. Usually kasi hindi lang siya iimik o sisimangutan lang ako, atlis ngayon may improvement. Hindi ko siya pinepressure sa pakikipagbati sa Mommy niya lalo't alam ko kung ano ang pinagdaanan niya pero pero hindi ko siya hahayaang habambuhay na galit sa sarili niyang nanay.

Pinauna niya muna akong makasakay sa passenger seat bago binigay si Gianna.

"Thank you" bulong niya ng bigla niya akong niyakap mula sa likuran dahil pinapatulog ko na si Gianna. Pagdating namin kanina hindi na sila tumigil kakalaro at habulan sa garden simula kasi ng matuto ng maglakad ang anak niya feel na feel na nilang maghabulan.

"Para saan?"

"Kasi sumama ka sa akin. At pinagbigyan mo ulit tayong dalawa" humarap ako sa kanya at tumingkayad at hinalikan siya sa labi. Niyakap niya ako pero sinigurado niyang hindi maiipit ang anak namin.

"Mahal kita. Kaya ikaw ang pinili ko. At alam kong mahal ako ng magulang ko at alam nilang hindi ako magiging masaya kapag hindi ako sumama sayo."

Hinalikan niya ako sa noo at ganun din si Gianna.

I'm His SexSlave Writer!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora