10

31.8K 430 32
                                    

Typos are everywhere.

Hindi ko alam kung paano ko nalusutan ang isang sitwasyong mas malala pa sa unang nagyari sa amin ni Gino. Walong  buwan na ang nakakalipas ng umalis ako at iwan siya. Malapit ko ng makita ang baby ko.

Oo, iniwan ko siya dahil hindi ko alam kung paano sasabihin na yung kinatatakutan niyang dagdag stress sa buhay niya ay dinadala ko na. Tinulungan ako ni Mam Kat na magtransfer sa probinsya nila. Hindi ko kayang umuwi sa amin na isang disgrasyada. Hindi ako mapapatay ng magulang ko pero paniguradong hindi sila titigil hanggat hindi nila  nakakausap si Gino. At alam kong ipagpapaliban ng kuya ko ang pagsakay niya sa barko pag nalaman niya ang kalagayan ko.

At mabuti na lang din at bago na ang principal namin. Every 4yrs ang palitan ng principal at laking pasasalamat ko at hindi na Tita ni Gino ang kailangan kong pagpaalamanan. Siguro nga sang-ayon sa akin ang tadhana dahil ang school na nilipatan ko ay may kapalitan akong item .

Noong unang dalawang buwan ko dito, laging nagtetext si Kat na lagi siyang pinupuntahan ni Gino at nagtatanong kung nasaan ako. Pero nakaramdam naman ako ng sakit ng malaman kong hindi na nagpupunta si Gino para hanapin ako. At naikwento niyang nakita niya si Gino kasama si Dhin sa isang restaurant at masayang nagkukwentuhan. Wala akong karapatang maging bitter kasi pinili kong lumayo at yun naman ang gusto kong ibigay talaga sa kanya ang kasiyahan. Ayokong dumagdag sa prolema niya sa buhay.

Hindi sang ayon si Kat sa pag alis ko dahil nag aalala siya sa kalagayan ko at baka hindi ko kayanin ang mag isa. Pero sinigurado ko naman na kaya ko.

Anak, konting tiis pa ha. Kakayanin natin to. Hinaplos ko ang malaki ko ng tiyan. Napapangiti ako sa tuwing nararamdaman ko na ang mahina niyang pagsipa na parang sumasagot siya sa akin.

Nag-ipon ako para sa mga gamit ng baby ko at para na rin  sa panganganak ko. Ako na lang mag isa kaya kailangan kong mas maging matatag at praktikal.

"Ate Andrea?" Napalingon ako sa boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Janna. Nandito ako sa supermarket sa bayan para mamili ng ilang supplies at gamit ni  Baby. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya dahil bigla akong naiyak. Ang sarap sa pakiramdam ng may kayakap at karamay.

"Ate. San ka ba nagpunta? Kumusta ka na? Alam mo bang pinuntahan kita sa school niyo nung makauha ko yung unang sahod ko sa restaurant para ilibre ka. Pero sa iba ka na daw nagtuturo." Pinunasan niya ang mga luha ko sa mukha. Ang cute talaga ng batang ito.

"Lumipat na ako dito. Teka, anong ginagawa mo dito?"

"Teka. Ate--" hindi niya matapos ang sasabihin ng mapansin niya ang belly ko. Gusto kong matawa sa reaksyon niya.

"Next month, makikita ko na siya." Hinaplos ko ang tiyan ko. Napatingin siya sa akin ng medyo na nakanganga.

"Kaya ipapakiusap ko sayo Jana na sana walang makaalam na nagkita tayo dito." Pinilit kong ngumiti dahil kinakabahan na ako.

"Nagresign na ako sa resto." Kinuha niya ang pushcart ko.

"Ha? Bakit?"

"Mahirap magtrabaho pag hindi mo kasundo ang mga kasama mo."

"Im sorry." ALam ko naman na ako ang dahilan kung bakit ayaw ng mga taong yun si Janna. Dahil sa akin. Dahil isa daw akong distraction sa Boss nila. At halata namang Team DhingDhing ang mga yun.

"Ano ka ba ate. Wala kang kasalanan nuh. Tsaka naiganti narin kita sa mga iyon." Napatingin ako sa kanya.

"Pinagpalit ko ang lalagyanan ng asin at asukal. Kaya nagalit sa kanila yung mga customer kaya napagalitan silang lahat ni Sir Gino." Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman ang pagsipa ng baby ko pagkarinig ng pangalan ni Gino.

I'm His SexSlave Writer!Where stories live. Discover now