Prologue

187 58 131
                                    

"Sofie sandali! Sofie! "


Ilang beses kong naririnig ang pangalan kong tinatawag niya.

Pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo habang patuloy rin sa pagpatak ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang nasa isip ko lang ay ang makalayo sa kanya.


Mas binilisan ko ang pagtakbo habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak.

Wala na akong pakialam kahit may nababangga na ako sa daan. Tumakbo ako ng tumakbo papalayo sa mga tao.

Tanging padyak nalang ng mga paa ang aking naririnig.

Hanggang sa matauhan ako dahil sa boses na tumawag ulit sa pangalan ko. At kasunod no'n ang malakas na busina galing sa isang sasakyan.

Tanging liwanag lang mula sa sasakyan ang nakikita ko. At sa loob ng ilang segundo sumagi sa isip ko ang mga ala-ala kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Ang pamilya ko.

Mga kaibigan ko.


At. . . pati siya.





"SOFIAAA!"

Huli na ang lahat.

Nahagip ako ng sasakyan at tumilapon ang aking katawan hanggang bumaksak ako sa daan.

Tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid kasunod ang nakakabinging katahimikan.

~~~~~~~~

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon