May boyfriend ako,actually 3 years and 11 months.
Tagal na no?
Pero kahit ganun may nagpapasaya saking iba kahit na may jowa ako.
Parang nahuhulog na nga ko sakanya eh.
~Flashback~
Dec. 2018
"Gusto mo ako nalang magtuturo sayo kung paano magbike?"
"Sigurado ka?baka naman kapag hindi ako natuto niyan eh pababayaan mo na ko."
"Hindi yan!pangako nandito lang ako para sayo"
"Siguradohin mo kung hindi sasapakin kita" ani ko
"Hahaha,brutal mo!sige na!angkas ka dito sa harap. Ikaw dito sa manibela ng bi---"
"Ayoko!"
"Eh anong gusto mo?" Tanong niya
"Dito ka nalang sa manibela,baka matumba pa tayo eh!hehe hindi ako marunong tumingin sa daan"
"Dami mong alam!cge na umangkas ka na ako na bahala"
Nagtuloy-tuloy naman ang pag-eensayo sa pagbabike pero dumating yong time na natumba kaming dalawa pero ang loko imbes na tulongan ako tinawanan pa 'ko eh nadaganan na nga ako ng bike niya eh!
"Aray!" Daing nilang"buti nga sayo. Pasalamat ka gusto kita kung hindi baka pati tong bike hinampas ko sayo eh.
"Halika na!"aya ko.
"Ako na magbabike. Baka matumba na naman tayo ang sakit nitong paa ko eh"
Napatingin naman ako sa paa niya
'Hala'
"Ako na lang"
"Ako na!kaya ko naman,tyaka baka mapano ka pa"
"Cge sabi mo eh"
~end of Flashback~
YOU ARE READING
Between The Two Boys
Short Storysino pipiliin mo? yong naghihintay sayo pero Alam mong babaero o yong pinaasa ka tapos naghahabol sayo? yong naghihintay? o yong naghahabol?
