Messenger
Aiden Monteval
JUN 4 AT 2:49 PM
Eleigha:
Hoy
Ano na
Nakatapos na akong magbasa ng isang story sa Wattpad
Di ka pa rin tapos diyan?
Alam ko na
Gawa na lang kaya akong kwento
Lalagay ko sa Wattpad
Kwento nating dalawa
Usto mo yon
Sent
JUN 4 AT 3:35 PM
Eleigha:
Katiyaga mo naman
Baka ma-perfect mo na compre niyo niyan
Pero alam mo ba
Isa yan sa mga nagustuhan ko sa 'yo
Di ko alam kung tanda mo pa to
Pero no'ng Grade 11 tayo
First day
Nag-elect agad ng class officers
Tapos dahil ikaw pinakamatangkad ikaw ginawang Pres 😂
Edi siyempre ikaw na nagtake over sa election
Di ko alam pero no'ng nagbibilang ka ng mga nakataas na kamay
Sobrang na-gwapuhan ako sa 'yo
Nakakunot 'yong noo mo tapos 'yong mga kilay mo nagsasalubong
'Yong labi mo nagbibilang ng tahimik
Tipong nagbibilang ka lang naman pero sobrang passionate mo pa rin
Simula no'ng araw na 'yon di ka na mawala sa isip ko
Lagi kong nakikita sarili ko na nakatitig sa 'yo
Di ko nga alam kung manhid ka lang ba talaga kaya di mo napapansin 'yon
O wala ka lang talaga paki sa paligid mo kapag may ginagawa ka
Na parang lahat ng gagawin mo sobrang pinagtutuunan mo ng atensiyon
Takte
E kahit nga pagaayos mo ng upuan kulang na lang i-ruler mo pa
Pero wala e
'Yon 'yong unang nagustuhan ko sa 'yo e
Well siyempre except sa mukha mo
Given na 'yon
Hayyy
Akala ko talaga isasama ko na lang sa libingan 'yong feelings ko sa 'yo
Pero tignan mo naman
Nakaka-chat kita
Nakaka-vc
Kaya thank you
For finally looking my way
Sent
![](https://img.wattpad.com/cover/231930663-288-k931551.jpg)
BINABASA MO ANG
Petition to Love You (QuaranFling Series #1)
Teen FictionOne Tuesday night, while reading Wattpad on her phone, Eleigha Ann Cordova received a random message from her former classmate slash long time crush asking her to sign the petition for junking Anti-Terror Bill. Somehow, she knew. The boring days of...