- - - - - - 1 night phone talk

325 42 76
                                    

Bago ang lahat sana ay maganda ang mood niyo habang binabasa niyo itong kwento na ginawa ko


Isang gabi, bigla akong nagising sa ingay ng aking phone, may tumatawag pala ,

Sa tono palang ng kanyang boses ay mapapansin mo ang saya saya niya at parang di mapakali na parang ewan na ano.


" Ui! Punta ka sa Martes sa bahay namin. "


" Bakit ano meron? "


" Basta pumunta ka sa bahay sa Martes, naka-formal attire. "


" Para saan naman yung formal attire na iyan? "


" Basta lang punta ka dito sa Martes, 7 am dapat nandito ka na. "


" Ok, ok, bat naman ang aga?, pwede namang 8 nalang ako pumunta dyan"


" Di pwede"


" Ok, ikaw may sabi eh, sige. " at binaba ko na ang phone at bumalik na ulit ako sa aking tulog pero napapaisip ako kung ano ang meron sa Martes?


Kinabukasan; pumunta ako sa isang tailoring shop para magpagawa ng damit, ayun sukat sukat, pinili ko nalang magamericana kasi naiibahan ako magbarong, teka uso pa rin ba magganun? hindi diba?


Papauwi na ako nang naiisipan ko munang dumaan sa Cathedral kahit araw pa ng Sabado para alam niyo na magdasal, at magbawas na rin mga kasalanan, napansin ko yung choir na nagprapraktis nagtaka ako bigla dahil kadalasan gabi sila naprapraktis, tinanong ko yung dati kong klasmeyt kung ano meron ,


" Ano meron ngayon?"


" May kasal daw sa Martes dito at kailangan namin imemorized yung kanta sa kasal"


" Ahhh ganun ba? Sige alis na ako paalam" sabay ngiti


Isinawalang-bahala ko nalang yung napansin ko sa simbahan,

Wala namang mahalagang nangyari nung Linggo; kinuha ko lang yung damit na pinagawa ko at nagsimba syempre kailangan naman kasi magbigay oras kay God para sa pasasalamat, at yung mga bagay na ginagawa ng mga normal na tao tuwing linggo


Wala naman ding nangyaring kakaiba nung Lunes, maliban lang sa simbahan na naghahanda sa kasal bukas at sa unusual feeling na nararamdaman ko.


At ito na nga Martes na, malalaman ko na rin kung anong kalokohang ang gagawin nila ngayong araw, alas kwatro ng umaga ako nagising para na rin maghanda sa something na ewan ko kung ano ba iyun pasensya di ko alam eh, maga ala sais ng umaga ako umalis at pumunta sa kanilang bahay.


Pagkadating ko doon sa bahay na agad kong napansin yung puting kotse sa harap ng bahay nila, at napansin ko rin yung ilang kaibagan o kamag-anak niya, na halos kasabayan kong dumating.


Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at pinahintay sa sala, tahimik lang ako doon sa upuan, at halos mabingi na yung katabi ko sa katahimikan ko dahil sa kakaisip kung ano talaga meron today , maya-maya may isang babae na nagtanong sa akin.

The PhonecallWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu