21

3 0 0
                                    







"Let's go home" ulit niya.





Di ako nakaimik, di rin ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.





"I thought it would be okay" hinigpitan niya ang yakap mula sa likod ko.





Lasing na siya, naamoy ko na ang alak mula sa hininga niya, dammit!






"You're drunk!" I spat. Hinarap ko siyang namumungay ang mata. Nagbago ang itsura niya, may mga itim na nakapalibot na sa kanyang mga mata at medyo mahaba na ang kanyang buhok di rin mawawala don ang pamumutla niya.






"I'm not going home without you!" Niyakap niya ako upang may makapitan.





Nakakainis! "Let's go!"





Hinila ko siya saka siya nagpatianod, lumabas na kami ng club at dumiretso sa parking lot.






Di mapigilang di mapa ekis ekis ang lakad namin dahil maging ako medyo nalasing na rin at natatangay na sa bigat niya.






Nakatulog si lycan sa kalagitnaan ng byahe pabalik sa condo namin, nagising lang siya nung hinatid ko na siya paakyat.






Nilapag ko siya sa kanyang kama at inalis ang damit niya na nangangamoy alak.





Lumabas muna ako sandali para kumuha ng twalya at maligamgam na tubig nang magulat ako sa nakita ko.





Andaming can ng alak sa counter, may chichirya at iilang butilya ng carlo rossi wine din.






Sira siya! Andami nito! Ito ba ang nilalamon niya sa higit na kalahating linggo?!






Pumasok ako sa kwarto niya at pinahid ang twalya na basa sa kanyang katawan, i can feel he's abs though, makisig ang pangangatawan ni lycan inaamin ko, his muscles are flexed well and his wholesome body are toned well.






Di ko lang mapigilang mag-alala na andami niyang nainom na beer sa higit kalahating linggong wala ako, ano bang iniisip niya? Nahihibang na ba siya?






Matapos siyang punasan ay nanghalungkat na ako ng damit sa kabinet niya. Nadaanan at nakita ko pa yung keychain sa study table niya, di parin ako nasasanay. Napa buntog hininga ako.






Di parin mababawi nun na siya si jem, ang nang iwan sakin ng walang paalam, ang kinamumuhian ko, ang gusto kong gantihan.






Binihisan ko na siya at in-on ang air conditioner niya saka inayos ang kumot niya.






Umayos ako ng tayo at aalis na sana pero mukhang na alerto siya at mabilisang hinablot ang kamay ko pahiga sa tabi niya. Agaran niya akong niyakap.






"Where are you going?" His husky voice sent shivers to my spine. Nanginig ako.






"Are you- are you leaving me?" Hinigpitan niya ang pagkakahagkan sakin. "Please no"





"Lico di ako makahinga" reklamo ko at tinabig ang kamay niya ngunit di ito nagpatinag.





"Stay here"






Napasinghap ako "Okay okay i'll stay let go of me i'll go to my room"






"No, here. In my room" Tumingin ako ng masama sa kanya.






Closer Into YouWhere stories live. Discover now