He smiled at me. "Yup. Aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Itutuloy natin 'yong bakasyon natin."

Namilog naman ang mga mata ko. "Agad agad?"

He smiled. "Surprise!"

"Brixel!" Agad akong tumayo at tatakbo na sana papunta sa c.r. para maligo nang hawakan ni Brixel ang braso ko.

"Kumain ka muna. Hindi naman kita minamadali."

Naningkit ang mga mata ko. "Anong hindi? E, bihis na bihis ka na nga! Ready ka nang umalis!"

Humagalpak siya sa tawa.

"Kumain ka na muna, I can wait. Alam mo 'yan."

Hindi ko man maipakita ay sa loob-loob ko ay para akong bata dahil sa sobrang excited ko!

Magbabakasyon kami ni Brixel?

Nakaayos naman na 'yong mga dadalhin ko. Noong nakaraan kasi ay hindi ko pa naman naibabalik iyong mga damit na inempake ko.

Tulog pa sila nang umalis kami ni Brixel. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero siguro ay malayo dito sa Montreal. 'Di naman siguro kami magtatagal ng isang linggo kung hindi e.

"I'm so excited," sabi ni Brixel tsaka pinisil ang kamay ko.

Nasa backseats kami at ang pinsan nila ni Briana ang nagdadrive.

"Matulog ka muna. Matagal pa ang byahe bago tayo makarating sa airport."

Kumunot naman ang noo ko. "Airport?"

Ngumiti siya. "You'll see."

Saan kaya kami pupunta?

Brixel never let go of my hand until we arrived at Ninoy Aquino International Airport.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ulit.

Siguro naman ay dito lang sa Pilipinas. Wala naman kasi akong passport.

May nilabas siyang dalawang ticket.

"Japan?" Namilog ang mga mata ko.

"The country you want to visit first." Ngiting-ngiti si Brixel.

"Hala! Wala akong passport at visa!"

He chuckled. May inabot siya sa akin na passport.

"What?" Nagulat ako nang makitang sa akin 'yon.

"Paano mo 'to nalakad nang hindi ko nalalaman?"

"Basta. Tara na!"

Oh, My God! Wala nga akong dalang mga jacket at pang-OOTD, ika nga nila.

"Brixel," nag-aalangan na tawag ko sa kanya.

"Bakit?" he asked.

Ngumuso ako. "I don't think I'm ready for Japan. Hindi mo ako hinayaan mag-ready!"

"Surprise!" Ang laki pa ng ngisi niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Ako na ang bahala sa lahat, I want you to enjoy Japan."

It took us almost 5 hours to reach Tokyo. Gusto ko mang ienjoy agad ang Tokyo ay grabe ang jet lag ko. First time ko lang din kasi sumakay ng eroplano.

Sa isang luxury hotel dito sa Tokyo kami nagcheck in. Sa laki ba naman nitong suite na kinuha ni Brixel ay siguradong ilang libo rin ang nagastos niya!

"Sana 'yong mas maliit na lang ang kinuha mong suite. Dalawa lang naman tayo, e."

He pinched my cheek. "I want you to experience the best."

Chasing Lifetime (Chasing #5)Where stories live. Discover now