"Any." Nag-kibit balikat lang siya. Mabuti sana kung si Arthur ang kasama niya dahil di na siya tatanungin nito kasi nga alam na nito ang gusto niyang pagkain.

"Urgh!" Naiinis na sabi niya.Kasi ba naman,kaya nga siya sumama sa taong kaharap niya ngayon para makalimutan si Arthur, tapos heto siya,iniisip na naman ang mokong na yun.

"Hey.Something's wrong?" Tanong ng kaharap niya.Oo nga pala, may kaharap siya. At napalakas yata ang pagkakabanggit niya nun.

"Huh?Ah...wala naman." Pilit siyang ngumiti.

"Ah ok." Tumango-tango lang ang kaharap niya.Tinitigan niya ito. Kung di siya nagkamali ay may lahing banyaga din ito.

"Hey,what's on that stare?" Untag nito sa kanya at saka ngumiti ng nakakaloko. "Masyado ka bang nagagwapuhan sa akin?" Oh-oh!Hangin alert.Heto na naman ito sa pagiging mayabang.

Inismiran niya lang ito. Kaunti na lang at mababara niya na ito.

"I'm just joking. Pinapatawa lang kita kasi parang pasan mo ang daigdig eh.Wag kang sumimangot ha.Di bagay sa isang princess na kagaya mo." Nakangiti na sabi nito. Kumunot tuloy ang noo niya. Akala ba niya ang ina niya lang ang tumatawag sa kanya na princess.

"Hindi ako princess." Inirapan niya ito.

Nakapag-order na pala ito kaya dumating na ang foods nila.

"Yes,you are." Pagsalungat nito sa kanya. "Sa kagandahan mong iyan,ay daig mo pa ang isang prinsesa." Dugtong pa nito.

"That's nonsense." Kumuha siya ng pagkain pagkasabi niya nun.Deadmahin niya na lang ito at ibuhos sa pagkain ang inis para rito. Pero sadyang makulit talaga ito.

"May L.Q.ba kayo ng boyfriend mo?" Nagulat pa siya sa tanong nito.
Boyfriend your face. Sa isip niya.

Eh sa di nga siya mahal ng taong mahal niya.Boyfriend pa?

"Wala akong boyfriend." Sagot niya na rito.

"Oh really?" Parang di makapaniwala na tanong nito. "Pero nakikita ko sa mga mata mo na may love problem ka." Umiling-iling pa ito. Gusto niya na talagang jumbagin ang kaharap niya.

"Di ka lang pala mayabang,manghuhula ka pa." Naibulalas niya.Di niya na napigilan ang sarili.

Akala niya magagalit ito sa kanya ngunit tumawa lang ito ng ubod lakas na nakaka-agaw na ng attention ng iba.

"Silly princess." Patawa-tawa pa ito. Pero mahina na. Napansin yata nito na naiirita na siya.

Pareho na silang tumahimik habang kumakain.

Pero maya't-maya pa ay nagkwentuhan na sila. Pero yung seryoso na about sa kani-kanilang buhay.Nakakahiya man na ikwento ang buhay niya pero nagawa niya pa ring maging honest dito.Eh ano naman kung alalay siya? Di naman marumi ang trabaho niya.

Napag-alaman niya rin na ang lalaking kaharap pala ay isang napakayamang tao.Kasalungat ng buhay niya kaya nahihiya siya rito. Pero itong kaharap niya ay di man lang bumaba ang tingin sa kanya. Mas naging proud pa nga ito sa kanya.

Napag-alaman niya rin na isa itong half Pakistani. Which is ang mother nito ay sa Pakistan ipinanganak.Pero dito na rin sa Pilipinas lumaki at nagkaasawa ng Pinoy na ama niya. Kaya ang ina niya ay di muslim.Isa na itong Kristyano.At yung pagka-tisoy nito ay kakaiba sa mga Pakistani na nakilala niya o nakikita niya sa telebesyon.Ganito pala ka-gwapo ang pinaghalong Pinoy at Pakistani?

"Oh my." Napatampal siya sa labi niya ng maalala ang oras.Alas 9 na pala. Baka nauna na sa condo si Arthur.

"What?" Tanong nito sa kanya.

Di niya ito pinansin.Sa halip, kinuha niya ang phone sa bulsa ng pants niya nung maalala ito.

Nalungkot siya kasi ni hindi man lang siya tinawagan ng amo o tinext man lamang kasi di naman ito nag-ring.Di man lang siya nito naalala o nag-aalala sa kanya.

Ng angkang bubuksan niya na ang phone niya ay sa noo naman siya napatampal.Kaya ayun,ang kaharap niya ay nawi-werduhan na sa kanya.

Paanong di siya mapatampal eh naka-off pala ang phone niya.Ini-off niya kasi ito kanina gawa ng naiinis siya kay Arthur. Ayaw niya kasing ma-contact siya ng amo.

Pag-on niya ng phone ay 25 messages ang na-recieve niya. At galing lahat kay my labs Arthur niya.
"Where the f*ck are you right now?"
"Catherine, I can't contact you.Turn on your f*cking phone. Kanina pa kita tinatawagan."
"Cathy,I'm so worried.Damn!Where are you?I'm so dead."
"Goddamn it Catherine! Why did you turn off your phone.Alam mo bang nag-aalala na ako ng sobra?"

Malapad na ngiti ang pinakawalan niya ng mabasa ang apat na messages na ito na naghahalilinan lang sa inbox niya.

Kilig overload tuloy siya sa mga text na ito.Kahit halos puro pagmumura lang ito.

Gusto niya na tuloy umuwi kaagad.

Shit lang.Nag-aalala sa kanya ang amo.

Waaaahhh!

A/N: Happy New Year Everyone!
God bless us!

My Amazing Alalay (Completed)Where stories live. Discover now