Prologue

3 0 0
                                    

Ngingiti ngiti akong lumabas sa aking sasakyan. E pa'no ba kasi, nakaiskor lang naman ako kagabi sa pinakamagandang model na nakita ko sa bar. Sa pagkaka-alam ko ay madaming lalaki na talaga ang naghahangad sa kaniya. Pero eto ako, nakangiti't nagyayabang sapagkat kusa niya akong nilapitan at basta basta na lang na tinapon niya ang kaniyang sarili sa akin.

Habang naglalakad ay hindi talaga lubusang mawala-wala sa isip ko ang kaniyang boses na sobrang tamis pakinggan, ang kaniyang labi na kung saan saan lumapat sa aking katawan kagabi at ang init ng kaniyang katawan na para bang hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin.

Tangina ang lakas ng epekto niya sa'kin lalo na't nalaman kong ako ang una niya. HAHAHAHA. Napapahalakhak na lang ako sa tuwa. Ang lakas ko talaga. Ang gwapo ko pa. Ang gandang lalaki ko rin. Tsk tsk tsk.

"Hoy! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?!" tinalikuran ko ang nagsalita nang makita ko ang taong nabangga ko. Tsk. Aga aga nasira na agad ng dakilang mukha niya ang umaga ko.

Ngunit nang naglakad ako ay may naramdaman akong likido mula sa batok ko pababa sa likod ko.

Tangina! Inis kong nilingon ang taong na sa likuran ko.

"Anong problema mong pangit ka?!" inis kong singhal. "Aga aga mo namang ipinagkalat yang kapangitan mo! Tsk!"

"O talaga? Sino ba sa atin ang namangga? Ako ba? Ako ba? Ako ba ang mukhang lutang na palakad lakad? Ngingiti ngiti na parang baliw?" bulyaw niya din.

"Hindi ko na kasalanan 'yon kung sa sobrang kaflat-an mo ay nagmumukha ka nang pader!" inis ko ulit siyang pinasadahan ng tingin sa buong katawanan niya. "Ang pangit ng mukha mo! Tabi!" huling bulyaw ko at naglakad na.

Nakakainis! Ang ganda ng umaga ko kanina pero heto ako ngayo't nakasimangot na papuntang banyo ng mga lalaki para maglinis ng katawan dahil sa mango shake na tinapon niya sa'kin kanina. Tangina! Sobrang lagkit pa.

Nang matapos ako at nakalabas na ng banyo ay tiyaka ko naman nakita ang kaibigan ko kasama ang kaniyang girlfriend na hindi pasado sa timpla at standards ko. In short pangit. Ang gandang lalaki ng kaibigan ko pero nagkagusto siya sa isang pangit.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nahuhulog ang mga kapwa ko magagandang lalaki sa babaeng mukha namang hampaslupa. Hindi ko lubos mahula-hula kung ano ang nakita nila sa babaeng pangit na nagiging nobya nila.

Dahil ba sa maganda ang kalooban nila?

Dahil mabait sila?

Dahil nakikita nila ang loob loob ng babae?

Psh. Ganoon na lang palagi ang nirarason nila. Kesyo unique daw sila nyenyenye. Tsk.

Basta ako, ayaw ko sa mga pangit. Hindi lang sa mga mukha at katawan kung hindi sa lahat ng bagay.

"Utang na loob ituon mo naman yang mga mata mo sa daan! Kanina ka pa! Bulag!" agad akong napatingin sa babaeng na sa gilid ko. Siya 'yong babae kanina. Tangina. Nasilayan ko na naman ang mukha niyang sobrang pangit. Tsk. Inis ko ulit siyang tinignan at tinitigan. Ang pangit ng damit niya. Ang pangit ng balat niya. Ang pangit ng mukha niya. Ang pangit niya talaga.

Gaya ulit ng sabi ko, ayaw ko sa mga pangit. Lalong lalo na ang kagaya niya.

I'm In Love In An Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon