"Haaaiiisssttt...oh! Hot. Hot. Hot. Tsk...tsk...tsk..." napa sabi ko na lang

Nagsalita ako ulit

"Okay lang na maging friend lang tayo. Masaya na ako doon. Kontento na ako" ang tangi ko na lang nasabi

Hindi ko namalayan na kanina pa ako tinatawag ni water

"Cold" sabay tapik ni water sa balikat ko

Napa tingin ako sa kanya. Akala ko kung sino na

"Uy! Bakit?" Tanong ko kay Water

Doon lang kasi bumalik ang aking katinuan

"Ano bang nangyayari saiyo? Bakit nagsasalita ka mag-isa?" Pagtatakang sabi ni water

"Wala lang. May sinasabi lang ako sa sarili ko" sagot ko

Inaya nya ako na kumain

"Alam mo gutom lang yan. Kanina ka pa hindi kumakain. Magbreak ka muna sa pagsunod-sunod at pagtingin mo sa malayo kay Hot" ang sabi ni water sa akin

"Sige na nga" napilitang sabi ko

Umalis na kami. Nagbreak muna kami ni water dahil mukhang nagugutom na sya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tuluyan na akong hindi pumasok ng class kasi wala akong ganang umatend ng class. Si water naman ay minabuti kong pauwiin na lang sya kasi hindi iyon aatend ng class kung wala ako tsaka istorbo at maingay lang sya sa akin. Sa pagsunod ko kay Hot.

"Mas mabuti ng ganito. Hindi ako makikita nila Hot"

Nasa loob ako ng kotse. Sila naman ay nasa harap ng labas ng campus. Naka upo malilim pa sa kinauupuan nila. Maaga pa kaya hindi tirik ang araw. Nagkukuwentuhan din sila. Habang nagkukuwentuhan sila ako ay papalapit sa kanila. Yung mabagal lang ang andar ng kotse ko. Wala rin naman ibang car kaya okay lang. Tinititigan ko lang sya maigi. Habang papalapit ako sa kanya. Hanggang sa tumapat na ang car ko sa kanila. Hindi nila ako kita sa loob kasi tinted ang mga salamin nito.

"Tara magcomputer na lang tayo" rinig ko na aya ni Hot

"Sige ba. May malapit na computer cafe dito" rinig na sabi ni Fire

"Sure. Matagal ko na hindi kayo nakaka laro eh..." rinig ko na sabi naman ni Dean

Hanggang lumagpas na ako sa kanila. Huminto muna ako saglit tsaka hindi kalayuan din sa kanila

"Hindi sya papasok ng class?" Pero bakit?"

May mga pumapasok sa aking isipan

"Dahil badtrip sya sa akin?"

Napa isip pa ako ng iba

"Dahil wala syang ganang pumasok? At tinatamad sya?"

Napa isip pa ako lalo

"Dahil din ba walang pumapasok sa kanyang isipan ngayon?"

Ng biglang may pumasok sa aking isipan. Yung kanina. Bago pa ako pumasok ng dorm

"Or dahil hinatid ako ni Rupert sa dorm at dahil doon ay nagseselos sya kaya wala sya gana, tinatamad at walang pumapasok sa isipan nya sa mga tinuturo ng mga professor namin kaya hindi sya pumasok? Ngayong araw?"

Napa ngiti ako sa aking iniisip

"Sana nga ganoon na lang"

Masaya kong sabi pero biglang lumungkot ang aking mukha kasi alam ko naman na hindi sya nagseselos. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi sya magkakagusto sa akin. Marahil alam kong isa syang Homophobic tsaka babae ang magugustuhan nya at hindi sa isang katulad ko

Cold and HotWhere stories live. Discover now