1

4 0 0
                                    

Sa hardin ay mag-isang naglilibang ang sampung-taong gulang na si Aya ng maratnan ni Selya. Nalulungkot siya na sa kabila ng kasaganaan ng pamilya ay may isang batang laging mag-isa na para bang sadyang naiiba. Kaya mula ng si Selya ang itinalagang alipin ng bata ay ipinangako sa sarili na kahit anong mangyari, ituturing niya itong tunay na anak.

"Nana Selya nariyan ka pala. Tignan mo itong alaga kong rosas malapit ng mamukadkad!" tuwang-tuwang balita ng bata ng mapansin ang kanyang tagapangalaga. Tumugon naman ng malawak na ngiti si Selya at dali-daling nilapitan ang bata.

"Oo nga. Tatlong araw na lamang ay isa na iyang malantik na bulaklak binibini." aniya.

Batid ni Selya na paborito ni Aya ang rosas kaya lagi niya itong kinukuhanan tuwing pupunta siya sa gubat. Marami kasing ligaw na rosas doon at mas mataba ang pagkakatubo kesa sa nga benibenta sa pamilihan.

"Talaga Nana? Sana naman ay hindi na ito pagla-laruan pa ni Gino." May bahid ng lungkot na saad ni Aya.

Si Gino ay nakakabatang kapatid niya. Isang taon lamang ang kanilang pagitan. Masiyado kasi itong napapaburan ng kanilang mga magulang, lagi din siya nitong pinag-ti tripan at hilig nitong sirain ang kanyang mga pananim. Gayon man, mas maituturing na mas malapit pa si Aya sa kanyang kapatid kesa sa kanyang mga magulang. At yun ang hindi maintindihan ng mga nasa paligid nila kung bakit para bang mas malapit ang Pinuno at Ina sa bunsong anak kesa sa panganay nila. Ang pinaniniwalaan na lamang ng lahat ay dahil mas binibigyan nila ng pansin si Gino dahil balang araw siya ang papalit sa ama bilang mamumuno.

"Aya!"

Napalingon ang dalawa sa bagong dating. Kaya naman ay napasimangot ng wala sa oras si Aya.

"Ano na naman ba Gino?" mataray na salubong na tanong niya dito. Ngunit sa di inaasahan ay kasunod nito pala ang kanilang ina na si Amelia na napakunot noo kaya naman ay dali-daling umayos ng tayo si Aya at yumuko bilang paggalang. Gayun din ay yumukod at nagbigay galang si Selya kay Amalia.

"Anong klaseng tanong yan sa kapatid mo Aya?" sita ni Amelia kay Aya.

"Wala naman ina. Kasi si Gino lagi niyang pinaglalaruan ang mga pananim ko." nakayuko at malumanay na sagot ni Aya sa ina.

"Wala pa mang ginagawa ang kapatid mo inaaway mo na! Pananim lang yan, nagkakaganyan ka!" galit na saad nito kay Aya.

"Patawad ina! Hindi na po mauulit!" nanginginig sa takot na hinging paumanhin ni Aya. Sa tuwing nagagalit ang kanilang ina ay hindi mapigilang matakot ni Aya. Lagi kasi siya nitong pinaparusahan. Na kahit hindi naman siya ang may kasalanan ay sa kanya nito ibinubunton ang galit.

"Ina, ayos lang naman. Mula ngayon hindi ko na paglalaruan ang mga tanim ni Aya." saad ni Gino sa ina. Natatakot kasi siya na baka parusahan na naman nito si Aya dahil sa kalokohan niya.

Sinuklian naman ni Amelia ng ngiti si Gino at hinaplos ang buhok nito. "Sige maiwan ko na kayo rito, tatawagin ko na lamang kayo mamaya kapag nariyan na sila." malumanay na tugon nito sa anak.

Bago siya umalis ay binigyan niya muna ng matalas na sulyap si Aya. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Selya kaya napa-iling na lamang siya.

'Kahit kelan talaga ang Sultana. Walang ni katiting na pinakitang pagmamahal sa anak na panganay' sa isip-isip ni Selya.

Nakahinga naman ng maluwag si Aya ng nakaalis na ang kanilang ina. Kaya naman ay pinakalma niya ang sarili mula sa takot na naramdaman kanina.

"Gino bakit ka ba kasi naparito?" tanong ni Aya sa kapatid saka ito hinila para umupo sa Aluyan na pinagawa niya. Nakasabit ito sa malaking puno ng narra sa kanilang hardin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AyaWhere stories live. Discover now