"Para kanino?" Tanong ko ulit

"Secret" sagot nanaman niya

Hindi ko na pinilit alam ko naman makukulitan siya sakin at aawayin ako. Tsaka gusto ko kung mag-oopen man sila sakin gusto ko sana yung taos sa puso nila hindi yung dahil napilitan lang. At iginagalang ko yung privacy na gusto nila

Natapos na lahat ng kasama humingi lang ng konting time yung MC para sa pag tally ng Scores para na announce na sino yung winner

Nung natapos na pinatawag na kaming lahat na contestant sa stage hiwahiwalay kami ng mga kuya ko dahil by number ;(

Hindi naman ako kinakabahan kasi wala naman akong expectation nagperform lang naman talaga ako dahil sa mama ni kuya Neil diba ? Kaya hindi nako umaasa na manalo ang mahalaga nagawa ko na yung part ko.

"On third place is ...." sabi nung MC

"Sino sa palagay niyo?" Tanong pa nung Mc masasapak ko na siya pag hindi niya binilisan nilalamig nako binalik ko na kasi kay kuya Oj yung coat niya nung pumanik ulit sa stage tapos yung pagkakastapler nung dress ko natanggal na.

"Contestant number 13" sabi nung MC dahil hindi ko naman kabisado yung numbering eh hinanap ko sino si 13 tapos ngayon pala si kuya Neil OMG kung pang 3rd lang si kuya Neil sa galing niyang yon eh pano nalang ako? Haha tinignan ko si Kuya Neil tapos nung napatingin siya sakin minouth ko yung Congrats

"You have anything to say?" Sabi nung MC

"Yeah , I wanna thank my mom for watching , my friends also if not because of them I wouldn't joined in this competition and lastly my Baby you're the real reason why I'm here " sabi niya na tumingin pa sakin tapos with wink OMG kinikilig ako hahaha

After non tumabi lang ng konti si kuya Neil para sa second placer

"Second runner up is Contestant Number...." sabi nung MC

"Who's your bet?" Sigaw nung MC konti nalang talaga babatukan ko na siya -.-" pinapatagal pa eh!

"Contestant Number 15!" Finally sinabi din!

Hahanapin ko palang sana si 15 eh nakita ko na agad siya dahil pumunta agad siya sa center stage
Yes si Kuya OJ ang second placer!

"Anong masasabi mo na second placer ka kahit hindi naman namin naintindihan yung kanta mo?" Tanong nung Mc kay Kuya OJ nung naiabot na niya yung plaque

"In music theres no such thing like you don't understand . You actually do but you're unaware. Yes maybe you don't understand literally the lyrics but admit it you actually felt what I'm saying. What you felt is actually the meaning of -understanding the song-" sagot niya and Im blown away ....

"WOW" yon lang nasabi nung MC

"Para kanino naman yung kanta mo at kung maari eh pa translate naman kahit ilang part lang nung kanta" sabi nung MC

"Can you just announce the first place? See that lady back there? She really need to change!" Sabi niya na nakaturo sakin tapos tumabi na siya kay Kuya Neil

Nabigla siguro yung MC napalunok nalang siya eh haha

"Sayang ayaw niya sabihin " MC

"Gusto niyo nabang malaman sino ang 1st Placer na mag-uuwi ng 10,000 pesos?"

"With the average of 98.4% the first place goes to..... Candidate Number 3!" Announce nung MC

Hinanap ko agad si 3 kaya lang hindi ko mahanap

"Uy congrats" sabi nung katabi ko at doon lang nag sink in ako si Candidate Number 3 at ako daw yung first placer ????!!! AKO!
Hindi ako makapaniwala!

Diary ng PangetWhere stories live. Discover now