"Sana nga.." Bulong ko.

Lumapit siya sa akin saka kinuha ang kamay ko. Ngunit laking gulat ko nang halikan niya ito. Matapos 'yon ay agad kong inagaw ang kamay ko. Dalagang pilipina ako e. Enebe! HAHAHA!

Natawa naman siya sa ginawa ko. Matapos naman 'yon ay mas lumapit pa siya sa akin saka hinawakan ang ulo ko at marahang hinalikan ang noo ko. Nakaka 2 points na 'to ha?! Agad ko namang inagaw ang ulo ko. Pabebe nga e! HAHAHA!

"I really really like you, Carrie Ann Ongsee." sincere niyang ani. Nginitian ko siya saka tumango tango.

"Babalik na 'ko sa bahay, " paalam ko.

"Mag iingat ka, kahit na alam kong malapit lang ang bahay niyo." ngiti niya. Agad naman akong tumalikod kinikilig kasi ako pakshet!

Ngunit bago pa man ako tuluyang mag lakad ay muli siyang nagsalita.

"Simula bukas ay liligawan na kita!" Sigaw niya mula sa likod ko. Wala ako sa sariling humarap saka ngumiti! Napaka siraulo talaga ng sarili ko! Tumango tango na lang ako saka tumakbo pabalik ng bahay.

Nakangiti akong pumasok ng bahay. Masaya ako sobra! Dahil mukhang seryoso naman si Jeremy! Sana nga..

Dahil kung hindi ay masasapak ko ulit siya! Hindi lang dalawa! Pinapa fall niya ako e! Saka palagi niya akong pinapakilig! Pag ako hindi nakatulog! Sasapakin ko ulit siya bukas.

Nang marating ko ang kwarto ko ay laking gulat ko nang matagpuan si Kuya doon sa mismong pinto ng kwarto ko. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"San ka nanggaling?" Seryosong tanong niya.

"None of your business," simple kong ani at akmang papasok na sana ngunit hinawakan niya ang siko ko! "Bitawan mo ako, Bryan Carlo!" sigaw ko sakaniya.

"I'm still your brother, Carrie Ann!" sigaw niya pabalik.

"But I'm JUST your SISTER, Bryan Carlo!" sigaw ko pa.

"Just forget about it!" sigaw niya.

"Sige! Paano kong kakalimutan ang paglilihim sa 'kin ng sarili kong KUYA?!"

"Nag secret ako for your safety, Carrie!" sigaw niya. "Bakit ba parang interesado ka sa Jeremy na 'yon?!"

"Because I like him! I like Jeremy!" sigaw ko na ikinagulat niya.

CARLO's POV

Hindi totoo ang sinabi ni Carrie! Hindi niya gusto si Jeremy! Hindi 'yon pwede! I need to protect my sister! Kailangan ko mailayo ang loob ni Carrie sa kaniya!

"You don't!" sigaw ko. "You don't like that guy!" sigaw ko pa.

"Yes I do, Bryan Carlo!" sigaw niya pabalik! " And I really really like him!" sigaw pa nito!

"You need to stop that Bullshit feelings, Carrie Ann! Bago pa mahuli ang lahat!" banta ko.

"Cause, LOVE CAN HURT. nanaman kuya? That LOVE CAN HURT. keme mo! Hindi naman totoo!" sigaw niya sa akin!

Naiintindihan ko siya. Hindi pa kasi siya kailan man nagmahal kaya ganyan ang pananaw at sinasabi niya.

"Love are happiness! Love can make you happy! Your LOVE CAN HURT quote was a bullshit!" sigaw niya sa akin saka ako tinulak palabas ng kwarto niya. Isinara niya iyon.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now