53.2 Significant Other

Start from the beginning
                                    

Matapos ang ilang sandali ay pareho na kaming naghahabol ng hininga habang nakahiga sa sahig.

"Magbihis ka na. Umuwe ka na!" Malamig pa sa yelong turan nya sa akin.

"Akala ko okay na tayo?" Tumingin ako sa kanya habang naghihintay ng sagot. Nagbibihis na rin sya.

"Ano ka sinuswerte? Sige na umalis ka na. Wag ka ng magpapakita sakin. Nakuha mo na ang gusto mo. Siguro naman titigilan mo na ako." Ramdam ko ang galit sa bawat salita nya.

"Pero---

"Wala ng pero pero, umalis ka na." Nakasimangot na sya sa akin ngayon. Gusto na nya talaga akong umalis, gusto ko rin muna syang asarin.

Nakangiti akong tumayo at nagsuot ng pantalon sa harap nya. Napaiwas tuloy sya ng tingin.

"Hatid mo ko sa labas. Kahit sa gate lang." Sabi ko sa kanya na agad namang tumingala para tingnan kung seryoso ako.

"Gago ka rin eh no? Na-virgin-an mo na ako gusto mo pa ihatid kita sa labas?! Eh kung sipain na lang kaya kita papunta sa gate." Tumayo ito at nag-walk out pero bago pa sya makaakyat sa hagdan ay nagsalita sya, "Paglabas mo i-lock mo yung pinto at utang na loob ha? Lumayas ka na sa pamamahay ko!"

Kinabukasan pagdating sa set ng It's Showtime ay hindi na naman nya ako pinapansin kaya hinayaan ko na lang muna. Pero tinitingnan ko pa rin sya ng palihim. Last day na ng paghuhurado namin ngayon and after this ay hindi ko na alam kung kelan ulit kami magkakasama.

Lumipas ang dalawang buwan pero ni isang message ko ay wala syang nireplyan. Ano na kayang nangyare sa babaeng yon?

Lea's POV

Paikot ikot ako dito sa kwarto ko. Nag-iisip. Nag-aalala. Dahil magdadalawang buwan na akong hindi nagkakaron. Nagpregnancy test na ako kahapon pero hindi ko pa tinitingnan ang resulta hanggang ngayon. Hindi ako pwedeng mabuntis eh. Tanga-tanga ka kase Lea, eh. Masyado kang marupok! Sabi ko sa sarili ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako naglakas ng loob na pumunta sa banyo upang kunin ang pt ko.

Gusto kong umiyak....dalawang linya!

Wala na, wala na ang mga plano ko. Sira na. Hindi na matutuloy dahil kay Aga. Bwisit sya!

Hindi ko na pwedeng ituloy ang mga plano kong paghihiganti sa kanya dahil kapag ginawa ko 'yun madadamay ang bata. Agad akong nagtungo sa kwarto ko para tawagan ang mokong na yun.

"Hello?" Sabi nito sa kabilang linya.

"Bilis mo namang sumagot." Walang emosyon kong sagot sa kanya.

"Hawak ko lang ang phone ko eh. Napatawag ka? Miss mo ko?" Tanong nya sa akin na agad ko namang ikinainis.

"Ulol!" Sigaw ko.

"Eh ano ba kasi? Bakit ka nga tumawag?" Nagseryoso din.

"Alam mo sunduin mo na lang ako, dalhin mo ako sa OB leche ka! Kasalanan mo 'to eh!" Pagkasabe ko noon ay ibinaba ko na ang tawag hindi ko na inintindi pa ang sinasabe nya.

Past 2 PM ng makarating kami sa clinic para macheck kung totoo nga bang buntis ako oh ano.

Habang nakahiga ako ay nilagyan ng ob ng gel ang tummy ko.

Napatingin ako kay Aga na nakafocus lang sa monitor kaya ibinaling ko na rin lang ang tingin ko doon.

"Congratulations, you are six weeks pregnant." Nakangiting iniabot sa akin ng doctor ang ultrasound.

Si Aga tahimik lang mula ng malaman na buntis ako hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Thank you." Sabi ko sa kanya pero tinanguan lamang nya ako. Malungkot yata ito dahil magiging ama na sya.

"Ang tahimik mo naman." Tanong ko sa kanya habang nagtitimpla ng juice nya.

"Bakit ako pa sinama mo sa OB?" Aba teka sumusobra na talaga 'to ah!

"Bakit? Ayaw mo malaman na magiging ama ka na? Di ka masaya?" Masungit kong tanong sa kanya. Nakakainis kase.

"Ha?" Aga

"Hakdog!" Sagot ko sa kanya. "Alam mo Aga, hindi ko gusto yang asta mo ha? Hoy para sabihin ko sayo anak natin itong dinadala ko! Ikaw lang ang nakagalaw sakin no!" Nilapag ko sa harap nya ang juice na tinimpla ko.

Mula sa pagkabalisa ay bigla itong ngumiti. Nakakaloka. Pero ang cute nya! (^^,)

"Di nga? Anak natin?" Bigla nalang akong napairap sa kanya. Ano akala nya basta ako bubukaka sa ibang lalaki?

"Oo nga ano ba. Anong akala mo di ikaw ang nakauna sakin?" Hindi sya sumagot pero tumayo sya at niyakap ako.

"Please wag mo ipagkait sa akin ang bata." Seryoso pa sya sa sinabi nya.

"Ipagkakait ko ito kung hindi mo ako papakasalan." Pagkasabi ko noon ay bigla syang kumalas sa yakap nya sakin.

"G-gusto mong pakasalan kita?" Wari ko ay nagulat sya sa sinabi ko. Kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit ayaw? Sabihin mo lang!"

"Gusto ko syempre naman. Inulit ko lang para sigurado, ikaw naman galit agad." Hinampas ko nga sya sa balikat kaya napa-aray sya.

"Umayos ka ha?" Dinuro ko sya, nakakainis talaga eh!

"Oo..." sagot nya habang hinihimas ang balikat nya.

"Ngayon pa lang napaglilihian na kitang lintik ka!" Nakatingin lang sya akin. Ako naman ay naglakad papuntang sala.

Maya maya ay lumapit ito sa akin at ipinakita ang twitter nya.

Picture namin habang palabas kami sa OBGYN kanina.

Lea Salonga at Aga Muhlach spotted sa OBGyn kanina. Ano kaya ang ginawa doon ng dalawa?

Basa ko sa caption ng tsismosong nagpost. Sinoli ko kay Aga ang phone nya.

Nagreply ako sa tweet ng kung sino man gamit ang twitter ko.

MsLeaSalonga : Malamang nagpacheck-up ng sinapupunan ko. Alangan naman magpabunot ako ng ngipin dyan diba?

Nagreply din si Aga sa reply ko.

AgaMuhlach317 : Yup! 6weeks.

Ilang segundo pa lamang ay andami ng nagtweet sa amin ni Aga. Hindi ko na nireplyan isa-isa bagkus ang iniscreenshot ko na lang ang reply ni Aga at nilagyan ito ng caption na.

6 weeks! Yup! Si Aga ang ama. Ano masaya ka nang mokong ka? @AgaMuhlach317

AgaMuhlach317 : I Love You, both ❤ @MsLeaSalonga and baby

MsLeaSalonga : Tse!

Ilang araw pa ang lumipas ng magsama ang dalawa sa bahay ni Aga upang magkasama nilang mapagpaplanuhan ang kanilang kasal at para na rin may mag-alaga kay Lea habang nagdadalang-tao ito.

Masaya silang nagsama at napagdesisyunan na lamang nilang wag ng ungkatin pa ang nakaraan dahil wala na rin namang magagawa pa si Lea dahil nabuntis na sya ni Aga.

####

The End.

One Shot List - LeAga-Where stories live. Discover now