Heaven University

175 10 0
                                    


Mae pov

Pagkagising ko ay bumaba na kaagad ako sa sala para magalmusal at tulad pa rin nang dati tahimik. Matapos akong kumain ay bumalik ako sa taas para mag empake na dinala ko mga hoddie jackets ko at mga jeans na madalas kong suotin at syempre mga sapatos at marami pang iba naalala ko yung bracelet na may kalahating moon kinuha ko yun sa isang maliit na kahon at isinuot ulit tinatago ko lang kasi dahil ayaw kong masira yun kapag may laban ako sa underground. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang buhok kong hanggan ilalim nang balikat ko, hindi nmn kasi pang permanente itong magic na nagpapaikli sa buhok ko eh nawawala rin kaya siguro tatanggalin ko na lang yung magic kapag nasa dorm na lang ako meron daw kasi doong dorm kaya walang problema. Tinanggal ko ang magic na nagpapaikli sa buhok ko kaya nalalaglag ang napaka haba kong buhok na hindi lang hanggang talampakan, naalala ko yung buhok ko sa bandang kanan sa likuran nang tenga ko kung saan nanduon ang kulay puti kong buhok nakita ko nanaman ang itim kong buhok, nagkaroon ako nang itim na buhok nung nag-training kami ni Acer at nadaplisan nya nang fire crystal ang buhok ko at naputol nakita ko naman na naging itim na iyon mula nuon at hindi na humaba pa.

'Icessa' 'Dianna' tawag ko sa dalawa kong guardian gamit ang breath control na tinuro saakin ni Acer actually hindi lang yun pantawag nang guardian pwede rin pang attack para hindi nila alam ang susunod mong atake. Si Icessa ay mula sa ice kingdom at si Dianna naman ay sa Sky kingdom.

"Mahal na prinsesa may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Dianna.

"Pwede bang pakitali nang buhok ko?" Balik tanong ko madalas kasi kapag hindi ko ginagamitan nang kapangyarihan ang buhok ko ay pinapatali ko na lang sa kanila.

"Sige po" sagot ni Dianna at lumapit silang dalawa saakin at sinimulan na ang pagaayos sa akin. Kubg may nagtatanong kung ano sila parang tao rin sila at kapag hindi mo sila nabantayan o kaya naiwan mo sila pwese silang umalis at maglakad kung saan saan at mahirap silang matawag kapag nasa malayo sila kaya kahit kailan hindi ko sila iniiwan pero nangyari na yun dati at tinawag ko naman sila at nakarating kaagad sila pero kahit na ganun ay nagiingat pa rin ako dahil ayaw ko nang mangyari yun.

Makalipas ang ilang minuto ang tapos na sila naka tirintas ang buhok ko at pinaikot pa nila para umikli at hindi masyadong mahaba.

"Tapos na po" cold na sabi ni Icessa pareho kami nyan eh.

"Huy ano ba nagiging cold ka nanaman gusto mo ba tawagin ko si Thunder ha nang umayos ayos ka dyan" sigaw sa kanya ni Dianna madalas kasing ganyan yan eh dahil ang cold nga nito pero sabi ko ayos lang eh pero pagnadamay na si Thunder na isa ko pang guardian eh nananahik na may crush siguro hahaha.

"Kung kaya mo" pangaasar naman ni Icessa kaya pinabalik ko na sila sa paraiso na ginawa ko para sa kanila nasa loob ko lang naman sila nasa isip ko para duon na lang sila magaway.

Bumaba na ako da sala at nakita ko duon si Acer.

"Wait me" sabi ko at saka lumabas na papuntang garahe at kinuha ang big bike ko at sinuot ang maskara ko na mula noo hanggang ilon ko, actually marami ritong big bike pero hindi naman nagagamit iba't ibang kulay rin tulad ng 2 dark blue na merong lining na white at 2 red 2 yellow 2 brown 2 green 2 white 3 blue 2 sky blue and etc.

Pumunta ako sa HQ at naabutan ko nmn sila Dean at ang iba pa.

"Aalis ako" sabi ko but in cold voice.

Heaven UniverstyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt