Chapter 3

10 0 0
                                    

Chapter 3



“We're going to a place full of screams,” ngumisi siya habang patuloy parin sa pagmamaneho. Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

“Where? Hell?” He laughed.

“No. Screams of excitement and joy, not screams of regret,” natatawag bitaw nito.

Hindi na ako nagsalita pa at pinakinggan nalang ang pagtawa niya. Palihim akong sumulyap sa kaniya at unti-unting napapangiti ng masilayan ang marahan na pagpikit ng mga mata niya dahil sa pagtawa. Para siyang bata kung tumawa. The way he laugh is adorable and it contradicts his manly side but still, he's appealing.

“Masaya 'to, I promise.” He smiled and turned to me.

You're a fun person to be with, Eliwood. I wanted to say that but I didn't. Gusto kong sabihin na lagi naman akong masaya pag kamasa siya pero naghihiya ako. Hindi pa ako siguro sa nararamdaman ko at oobserbahan ko muna habang kasama siya.

Bumyihe ang sasakyan at nasa bintana ang paningin ko habang palihim na sumusulyap sa kaniya. I was looking at his wild eyes staring at the road while biting his lower lip.

Umiwas agad ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. I heard him chuckled but I chose to ignore it. Napansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Nahihiya ba ako dahil doon?

“Saan mo ako dadalhin?” I asked, sinusubukang pagtakpan ang hiyang  nararamdaman ko.

“Somewhere...”

“Where?”

“You'll see.” Ngumisi siya kaya napa-iwas ako ng tingin.

“L-Lagi ka ba talagang ganito?”

“What do you mean?” he asked. Hindi parin ako makatingin sa gawi niya.

“Lagi mo bang dinadala sa iba't-ibang lugar yung mga babae mo?”

Namilog ang mga mata ko pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam kong saan nanggaling ang mga salitang iyon at hindi ko inaasahan na maitatanong ko sa kaniya iyon. Pa-simple kong tinakpan ang bibig ko at umiwas ng tingin, mariing napapikit dahil nakakaramdam na naman ako ng kahihiyan.

He laughed. At lalo lang lumalala yung nanaramdaman ko.

“Wala akong mga babae.”

Tumawa siya habang nakahawak parin sa manubela. Marahan akong napapikit, muli.

“I'm no playboy. At... sa'yo ko lang  nagawa ang lahat ng mga 'to.”

Hindi na ako nagsalita pa. Nanatili akong natahimik at nakamasid sa daan habang pinagtatakpan ng reaksyon ng mukha ko at naghuhuramentado tibok ng puso ko. Napakagat ng kuko sa himlalaki habang nakasulyap sa parin kadiliman. Hindi ko dapat sinabi yun.

Huminga ako ng malalim habang pinilit pakalmahin ang loob. “But why me?” I asked, finally decided to look at him

Kumunot ang noo nito at sumulyap sa akin. His lips parted and I can see it clearly because of the moonlight. “I don't know.”

I avoided his gaze and looked back to the darkness. I licked my lips while thinking about what he just said.

“Maybe because... I can't stop thinking about that night.”

Marahan, nanlaki ang mga mata ko pero hindi lumingon sa gawi niya. Is he talking about the night we met? He can't stop... thinking about it? Sa unang pagkakataon, nararamdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko.

“We're here!!”

Agad kong pinasadahan ng tingin ang paligid at napansin ang karamihan ng mga tao. Lumabas siya sa sasakyan kaya lumabas din ako. Bumungad sa amin ang malaking karatula ng lugar. Maingay at puno ng iba't-ibang kulay ng ilaw ang paligid, puno ng tao at medyo masikip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight Sun Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon