Universe

17 2 1
                                    

Kalawakan sa aking isipan

Minsan, May mga tao na ating hinangaan. Hindi lang romantiko, ngunit pati na rin ang iba pang klase ng paghanga. Maaaring sa ugali o personalidad, sa katangian, sa talento, sa pisikal na pangangatawan, sa pakikitungo, sa abilidad, sa kapasidad ng kaniyang isipan, kung gaano siya kalalim mag-isip o magsalita, ang kaniyang pananampalataya at iba pa na maaaring hangaan sa isang tao.

Aking inihalintulad ang mga hinahangaan ko sa mga bagay sa mundo o kalawakan.

...................................................................................

Stars and moon

Bituin, nagliliwanag sa kalangitan,
Katulad rin ng buwan,
Na nasa kalawakan.
Nakakatuwang pagmasdan
Ang pagkinang sa kaitaasan
Ngunit hindi maaring matangan.

...................................................................................

Sun
Araw, nagpakatatag na ginoo,
Kay tapang na sundalo,
Sa mundo'y pinakamaliwanag na bituin
Sana'y naging katulad mo rin
Na tapat sa hangarin at tungkulin
Salita'y minsa'y matalim,
Gaya ng sinag na nanggigising
Parang apoy na nakakapaso
Kay hirap alamin ng magiging kibo
Nais sanang iyong lusawin
Ang mga ibinalot sa damdamin
Ngunit di ko yata kayang lumapit
Kahit nais ng putulin ang kapit.

...................................................................................

Cloud
Ulap, nakakamangha at aking tinitingala
Iba't-ibang anyo, madalas kong nakikita
Istoryang binanggit, tila nakabisa na
Pagpapaalala ang madalas na wika.
Minsa'y may katanungan sa isipan
Ngiti sa labi ang 'yong kasagutan.
Sa bundok na kay kataas, malapitan na matatanaw
Ngunit 'di na magtagal pagkat limitado ang oras at araw.

...................................................................................

Tree
Puno, pinakamadaling lapitan,
Hindi umaabot sa kalawakan,
Sa tirik na araw ay masisilungan
Gayon din kapag umuulan.
Napakatayog sa pananatili
Nais mang maglagi sa'yong tabi
Ngunit kailangang isantabi
At umalis sa panahong nasabi

...................................................................................

Storm
Bagyo, 'Di ko mabatid
Bakit nais mapalapit
Sa t'wing nagtatagpo ang mata
Ang emosyon ay tila nadadala.
Nais kong mawari kung tama ang nasa isip
Ang 'yong tingin ay tila may mga katagang sinasambit
Sa unang beses palang na pagkikita
Napapaisip, tila ako'y iyong kilala na

...................................................................................

But God is greater than any of these. Because He made the universe. Days will come to pass. Everything will vanish away. Nothing can be left. Only the Heaven, the Kingdom of God.

Sulat sa KuwadernoWhere stories live. Discover now