" Ok pards Hehehe" Ngiti ko at tinugon niya naman.

Nakangiti kaming pareho habang tinatapos ang aming pagkain. Hindi ko mapigilang sulyapan ang gawi ni hania kaya tinataasan niya lang ako ng kilay na parang tinatanong kong bakit ko siya sinulyapan.

Nag anyaya na si hania na lumabas pagkatapos naming kumain kaya tumango nalang ako at sumunod na rin.

Natagpuan namin si manong sa parking lot na naghihintay habang kumakaway pa para makita namin niya.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse para makasakay si hania

"Thank you" ngiting pasalamat Niya

"Thank you din"

"Thank you for what?" takang tanong niya kaya natawa ako.

" Thank you dahil nag enjoy ako ngayon kasama mo tsaka hindi mo na ako sinusungitan hehe" Nahihiya pang paliwanag ko.

" Nag enjoy din naman ko so thank you too" Ngiting tugon niya

" Hahaha thank you talaga hania. Segi na sumakay kana baka tumakbo na yung thankyou--.. ah este kotse"

Ano bang pinagsasabi mo Andrew! Hyssstt!

Natawa pa siya sa sagot ko kaya nahihiyang napayuko ako at sumakay na rin na unahan.

"Let's go manong"

"Ok ma'am" Si manong.

" Manong don't call me ma'am please im not a teacher! Hania nalang po" Nakanguso pang sabi niya kaya hindi ko napigilang matawa sa kanya

" Hania nalang kasi kuya rues Hahaha baka sungitan kapa niyan" Bulong ko pa sa driver

"Stop it Andrew! i heard you!"

" Ahh Hehe malakas ba?" Natatawa kunwaring sagot ko

" Konte"

" HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawang tawa talaga ako sa kanya! Hindi ko inakala na sasagot siya sa tanong kong malakas ba ang pagkakasabi ko at sasabihin niyang konte.

Hahahahahahhaaha hania talaga ohhhh!

Ilang oras ang byahe bago kami makarating sa bahay nila hania at akmang lalabas na sana ako ng makita kong tulog na naman ang magandang binibini.

"Sleeping Cinderella gising na Hahaha" Ngising gising ko sa kanya

" Hmmmm.. Oh? We're here" Nakangiting bungad niya habang kinukusot kusot pa ang Mata

" Oo nandito na tayo kaya gumising kana Hahaha. bakit ba palagi kang tulog pag nasa byahe ha?"

" Do i need to spell it Andrew? Tsssk Of course im sleepy"

" Ok then, Can we go? Hahaha ano't umienglish na rin ako?"

" Stop it Andrew let's go"

" Ok tara na! let's go! Hahaha" Magiliw na sabi ko palabas ng sasakyan, Lalakad na sana ako para pumasok sa bahay ng tawagin ako ni hania.

"Hey! Open the car Andrew! Bakit ba hindi mo ko hinihintay?"

" Hayyyy naku naman! Masusunod po kamahalan" Pagbubukas ko sa pintuan ng kotse at yumuko pa sa kanya. Parang naasar pa siya sa ginawa ko dahil nakangiwi itong naunang pumasok sa bahay.

Aba't ako pa talaga ang iniwan ah? Hahaha buti nalang maganda ang isang to.

Tumakbo ako ng kaunti upang madatnan ko si hania na ngayon ay binubuksan na ang pintuan ng bahay. Pero hindi pa man niya ito nabubuksan ang bumungad na si nanay sa amin at ito ang nagbukas ng pintuan.

"Oh nandito na pala kayo! Bakit hindi ka man lang nag text sa akin hija?" Bungad ni nanay

" Natulog kasi yan sa byahi nay hehehe..."

" At hindi mo rin ako tinext Andrew?"

" Kasi po nay surprised Hahahah diba pards?"

" Iwan ko sayo Andrew! Ahh yaya I'm sorry po hehehe"

" Oh siya segi tara na sa loob para makakain na kayo."

" Segi po yaya" Sagot ni hania at tumingon sa akin kaya ngumiti ako Hehehehehehehe

" Let's go BESPARDS!" Ngising singhal niya sakin dahilan para pagtawanan ako ni nanay at hinuhuli nito ang magiging expression ko.

"Mukhang nagkaka mabutihan na kayo ah?" Bulong ni nanay na nakangisi pa.

" A--hh Oo n-nay Hehehe magkaibigan na po kami" Nakayuko pa ako! Nakakahiya kasi baka marinig kami ni hania.

" Mabuti iyan Andrew! Bantayan mong maigi iyan si hania ha?" Sabi na nanay at napalingon naman si hania dahil medyo nalakasan ni nanay ang pagkakasabi nito.

Nanayyyyyyy! Nakakahiyaaaaaaaaa!

"Yaya i can take care of my self. Baka ako pa ang bumantay dyan kay andrew Hahaha" Ngising sigaw ni hania bago tumalikod at naglakad paakyat.

" Nanay naman ehhh. tingnan mo inaasar na naman ako!"

" Hahaha Mamaya sasabihin ko na may gusto ka sa kanya anak" Ngising asong bulong ni nanay

" Ano?! Nay wag kang magbibiro ng ganyan! Alam mo namang sikreto ko yon diba..... "Talagang nabigla ako sa sinabi niya

" Biro lang anak Hehehe may gusto ka ngang talaga" Nakangiting sabi ni nanay at tinalikuran na din ako Habang hito ako nakanganga sa mga sinabi niya.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now