Hulog ng langit talaga 'tong si Fyuch sa 'kin. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hanggang mamaya akong nakasimangot dito sa sobrang asar ko kay Allyson.

Sssmith: ang ganda.

Porkshaaa: yieeee! Thank you, Fyuch! Ikaw talaga nambola ka pa. Amp!

Sssmith: ng view. Hindi ikaw.

Napasimangot ako.

Porkshaaa: sana naging masaya ka, Sam Spencer Smith.

Sssmith: I am. 😊

Porkshaa: alam mo ang tawag sa tulad mo?

Sssmith: gwapo.

Porkshaaa: gwapong epal.

Haay. Pasalamat talaga 'tong gwapong epal na 'to crush ko siya! Pero kahit ganyan siya sa 'kin, natutuwa pa rin ako dahil feeling ko malapit na talaga niya 'kong pakasalan. Hahaha.

Syempre kung mangangarap na lang din naman ako, 'yung pinakamataas na!

Sssmith: what are your plans today?

Porkshaaa: dinner lang later with Dad. ☹

Gusto ko sanang mag-rant sa kanya about kay Allyson kaso hindi ko pa naman nababanggit na may nag-e-exist na kontrabida sa buhay namin ng Daddy ko. Buti nga at hindi na nila 'ko pinilit na sumabay sa kanilang mag-lunch. Sabi ko na lang kay Dad ay gusto ko munang magpahinga, so he just told me to ask his assistant for food. At dahil ayokong magpa-istorbo talaga, I just asked for a room service.

Porkshaaa: maybe I'll also swim in a while. Or maggagala ako mamaya sa labas tapos sendan kita ng maraming selfie para hindi ako mamiss ni Tammy. Hehehe.

Sssmith: don't go too far if you're not familiar with the place.

Porkshaaa: yes bb! Pramis sa tabi mo lang ako.

Porkshaaa: este sa tabi tabi lang. HAHAHAHA.

Sssmith: lol.

I giggled. Sana naman pareho kaming kinikilig ngayon ni Fyuch para fair.

Porkshaaa: anong ginagawa mo ngayon maliban sa iniisip mo ko?

Sssmith: I'm in a meeting.

Porkshaaa: luh! Bad ka di ka nakikinig!

Sssmith: I'm listening.

Porkshaaa: weh? Tingin nga kung nakikinig ka. Send me a selfie daliiiii.

Sssmith: no.

Porkshaaa: hmp. KJ.

Halos napuno ko na 'yung gallery ko kaka-selfie pero walang dumating na selfie mula sa kanya. Napaka-damot talaga! Di marunong mag-share ng blessings sa kapwa! Naku, 'wag lang talaga 'tong ma-i-inlove sa 'kin at sisiguraduhin kong pahihirapan ko siya ng bongga. Char.

Sige, lang Portia libre mangarap.

Tumayo ako nang may kumatok sa pinto ko. Pagbukas ko ay 'yung assistant lang pala ni Dad na si Mr. Champ. May dala itong apat na paper bags at isang malaking puting kahon.

"Ano po 'yan?"

"Ipinahanda ito ng Daddy mo para isuot mo." Tinaasan ko siya ng kilay at kinuha ang mga iyon sa kanya. Nagpaalam din agad siya at umalis na.

Akala ko pa naman ay maiisahan ko na si Daddy! Idadahilan ko sana na wala akong isusuot at hindi ako makakasama sa gathering o sa kahit saang lakad niya rito, pero heto at pinadalhan niya 'ko ng mga damit!

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now