056 - First Mission Day 2

186 23 12
                                    

First Mission Day 2

💓💓💓💓💓

Pagkatapos maghapunan ay sama-sama kaming naupo sa may bakuran sa labas ng bahay nila Angeline. Liwanag lamang ng buwan ang tanglaw namin habang ang lahat ay nakaupo sa katawan ng isang malaking puno na mukhang kapuputol lamang. Napagpasyahan ng buong grupo na dito na muna magpalipas ng gabi.

“Pasalamat kayo Angeline, King at Marina na hindi kayo napasama sa top 20.” Sabi ni Lily na siya talaga laging unang nagsasalita at nag-uumpisa ng topic. “Kung hindi ay baka nategi na din kayo tulad nila Dylan at Liza.” She added. “Ang hihina ninyo pa man din. Pasalamat kayo at buhay pa kayo.”

“Grabe ka naman sa amin.” Sabi ni Marina.

May punto naman si Lily. Hindi sa minamaliit ko ang mga ito pero lahat ng natirang dalawampu noon sa kompetisyon ay sadyang malalakas at palaban. Baka hindi din kayanin ng mga ito.

“Oh, my gulay.” Biglang sabi naman ni Lily na parang may naalalang kung ano. “May isa pa pala tayong ka-member. Si Hazel!”

Waaaahhhh. Oo nga, no? Nawala na siya sa aking isipan.

“Hindi ba't kapatid siya ni Charlie?” Tanong ni Nate.

“Oo. Nabanggit niya nga.” Sagot ni Eli. “Siya yung duplication ang kapangyarihan.”

“Kumusta na kaya siya?” -Marina. “Wala bang nababangit si Head Master sa inyo?”

“Wala.” Sagot ko “Hindi naman siya nagku-kwento tungkol sa buhay niya. Masyado na iyong pribado para tanungin namin at saka hindi din naman kami interesado sa kung anong buhay niya sa labas ng Head Quarters. Wala na kami, 'don.”

“Sabagay. May punto ka naman.” Sabi ni King na katabi ni Marina. Kanina ko pa napapansin ang  closeness ng dalawang ito. May namamagitan kaya sa kanila? Ano bang pakielam ko?

Sinindihan ko ang mga inilagay ni Angeline na kahoy sa gitna namin para walang dumapong mga lamok sa amin. Nagmasid ako sa paligid. Nakapadilim. Mangilan-ngilan lang kasi ang mga kubo dito. Halos mabibilang mo lang sa mga kamay. Napaka-simple ng pamumuhay nila. Parang ang sarap ulit mabuhay sa ganito. 'Yun bang wala kang alalahanin?

“Ikaw? Kumusta ka na simula ng matanggal ka sa kompetisyon?” Tanong ni King kay Angeline.

Binigyan niya kami ng mais na kulay dilaw na naka-tuhog sa malaking stick. Masarap daw iyon kapag inihaw kaya habang nagkwe-kwentuhan ay ganoon ang ginagawa namin. Marami din kasing tanim ang mga ito na sari-saring prutas at gulay.

“Ayos naman.” Sagot niya. “Ganoon pa din. Tulad pa din ng dati. Wala namang nagbago sa akin.”

“Wala naman na talagang magbabago sayo. Ipinanganak kang baluga, lumaki kang baluga,  mamamatay kang baluga.” Walang pakundangang sabi dito ni Lily.

“Bwiset ka talaga, Lily.” Sabi ni King.

“Alam ko.”

Salamat naman at aminado siya. Binalingan ko si Angeline. “Hindi ba sabi mo sa amin na sa isang bar ka nagta-trabaho bilang singer?” Iyon ang pagkakaalala ko sa sinabi niya noon.

“Ah, 'yun ba?” Sabi nito. “Nag-resign na ako doon. Medyo tumatanda na kasi si Inang kaya gusto ko matulungan na lamang diya dito.”

“Sabagay.” Sabi naman ni Nate. “Ano nga ulit ang kapangyarihan mo?”

“Flying, hindi ba?” -King.

“Without Wings?” Singit ng baliw. “Ano to, ikaw ang Westlife? Lipat ka na lang kasi sa GMA.”

First Stand *CompletedWhere stories live. Discover now