Saktong bumukas naman yung pinto at nakita ko si Kylan na pumasok.

"Oh? Kylan bat ka andito?" tanong ni Evan.

Hindi naman ako nagsalita dahil gusto ko rin malaman kung bakit.

"Dito na ako ngayon matutulog." Napatayo naman ako sa gulat ngunit hindi nakapagsalita dahil parang may pumipigil sa lalamunan ko.

"Hindi pwede dahil wala nang higaan." Sabi naman ni Evan.

"Problema ba 'yon?" Nagulat ako nang lumapit si Kylan sa higaan ko tsaka humiga rito.

"H-Hoy! Anong ginagawa----" naputol na yung sinasabi ko dahil sa hindi makapaniwala.

"Isa pa, sinabi narin nila sakin na dito nalang ako dahil full na ang mga rooms at ito ang pinakamalaki." Dagdag pa nya. 

"Talaga lang huh." Bulong ni Evan na rinig na rinig. 

"Problema mo ba?" Sabi ni Kylan, "umalis ka kung ayaw mo akong nandito."

Binatukan ko naman si Kylan, "tumigil kana nga."

Narinig ko ang pagtawa ni Evan, "bagay talaga kayong dalawa."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya..

dug dug.

Evan.. ano bang sinasabi mo? Baka kung anong isipin ni Kylan..

Tinignan ko ng pamatay tingin si Evan.

"Bagay talaga kayong magkaibigan." Sabay ngiti nya. 

Napa-buntong hininga ako sa isipan. Gago ka talaga Evan.. last mo na yan.

Nabigla ako nang hilain ako ni Kylan dahilan para mapahiga ako. 

"Wrestling tayo." Sabi nya't nanliit nalang yung dalawang mata ko.

"Ano ka? Bata?" Sabi ko sakanya't tumawa sya.

"Hindi  ka kasi mananalo sakin kaya ayaw mo." Ngumisi siya.

"Ah ganon?" hinila ko agad siya't sinakal gamit ng braso ko.

Imbis naman masaktan siya eh tumawa-tawa pa sya.

"Ang lamya mo Kash!" Sabi nya't nandilim naman yung paningin ko, "hindi dapat ganyan, ganito dapat.." inalis niya yung kamay ko't ako naman yung inipit niya sa dalawang braso nya.

"Araaayyy!!" hindi makahingang sabi ko't tinulak-tulak ko na yung mukha niya para tumigil, "taaannnggiiinaaa... hindi ako makahingaaa!!!"

Napatigil kaming dalawa nang marinig ang pagtatawanan ng mga kasama namin ngayon sa loob..

"Ano 'to? Balik bata?" natatawang sabi ni Evan. 

Tumatawa-tawa na rin yung dalawang kaninang natutulog.

"Ah.. sorry.. nagising ba namin kayo? Pasensya na po." Paghingi ko ng tawad with matching bow pa.

Siniko ko naman si Kylan at humingi rin ito ng tawad.

Mga seniors ko pa naman sila.

***

Nang hapon na ay nag-ready na kami para sa pag-alis..

Hindi ko alam kung bakit ba ako nag-enjoy. Samantalang noong pagdating ko rito ay parang nabo-boringan ako.

Dahil siguro iyon sakanya..

Hindi rin maiwasan ng isip kong balikan yung mga nangyari..

"Hindi ko na hahanapin yung dating ikaw. Masaya na ako basta magkasama tayong dalawa." 

Anong ibig mo sabihin doon Kylan? Ako lang ba yung nagbibigay ng meaning sa mga sinabi mong iyon? 

Nang makasakay na sa bus ay si Evan ang katabi ko. Magkahiwalay ang bus ng mga doctor at pharmacists..

"Evan.. may itatanong ako sayo." Sabi ko sa katabi ko ngayon.

"Sige lang." sabi niya naman.

"Okay lang ba.. umasa?" 

Napatingin siya sa akin nang tanungin ko iyon.

Nakatingin ako sa ilabas ng bintana. Hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba ito tinatanong ngayon..

Umayos siya ng upo bago ako sagutin, "okay lang umasa, pero kung nasasaktan kana.. itigil mo na. Hindi na iyon tama." Sabi niya't hindi na ako nakapag-salita.

I see..

"Bakit mo natanong? Tungkol ba 'to kay Kylan?" tanong niya na ikinabigla ko..

Kinalma ko ang sarili ko bago ko sya sagutin..

"Wala siyang kinalaman." Sabi ko rito at hindi na siya nagsalita, ngunit alam kong pinagmamasdan ako ngayon ni Evan.. inaalam kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

Sumandal na ako sa upuan at nagsimula nang umandar ang bus.

Paniguradong gising na gising ngayon si Kylan at nakikipag-kwentuhan sa mga babae doon sa kabilang bus.

Ngayon ko lang na-realize na ang boring pala talaga ng buhay ko. Pero kapag nandiyan si Kylan ay bigla nalang nagkakaroon ng liwanag yung paligid ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, ibang-iba pag mag-isa lang ako. Mahalaga nga talaga ang papel niya sa akin..

Pinikit ko ang mata ko..

Pilit na inaalala ang mga nangyari sa nakaraan.

"Si Kylan? Magkasama sila umuwi nung girlfriend niya.." 

Mag-isa nanaman akong uuwi ngayon.. Bumuntong hininga ako.

Palabas na ng gate ng school ay napatigil ako nang makita si Kylan..

Lumapit ako sakanya, "eh? Akala ko ba umuwi kana kasama yung ano mo?"

Ngumiti siya't kinamot ang batok, "naisip ko lang na baka umiyak ka pag hindi kita sinabayan."

 Napatitig nalang ako sakanya..

"Sinong iiyak? Bwisit." Ngunit sa kaloob-looban ko ay tinatago ko ang ngiti sa labi ko.

Ngiting siya lang ang nagiging dahilan..

===

vote/comment.

#PoundingHeartKK  

Pounding Heart [VOL. 2]Where stories live. Discover now