"Megan! Dumating ka na..." Huminahon ang boses niya nang namataan si Noah sa gilid ko.

Bumaling pa siya sa sasakyan nito bago hinawakan ang braso ni daddy. Si mommy lang ang ngumingiti sa aming apat at halos mahimatay na ako sa kaba lalo na't hindi parin umaamo ang mukha ni daddy.

"Noah? I heard from your manager na wala ka daw sa last two gigs niyo sa Batangas." Napawi ang ngiti ni mommy.

"I'm sorry for being irresponsible, tita. May importante lang po akong ginawa. Naipaliwanag ko na sa manager at sa kay Stan. Babawi po ako next time." Sabi ni Noah.

Bumalik ang tingin ni mommy sa akin. Para bang naghahanap siya ng kasagutan sa kung ano mang tanong ang nasa utak niya.

"It is very important, surely." Ani mommy. "Pumasok na kayo at mag dinner." Sabay tapik niya sa balikat ni daddy at sabay silang tumalikod na dalawa para pumasok na.

May kung anong binulong si daddy kay mommy habang papasok sila. Nilingon ko si Noah na matigas rin ang ekspresyon tulad ni daddy habang pumapasok sa aming bahay.

Dumiretso na kami sa hapagkainan. Mukhang kakain na rin sana si mommy at daddy bago pa ako umuwi. Nanatili ang titig ni daddy sa kay Noah samantalang palipat lipat naman sa akin at kay Noah iyong tingin ni mommy.

"Nakaplano na ang iyong birthday ngayong Sabado. I know you wouldn't plan for a party, Meg. Ang gusto mo ay iyong after party lang. Good thing at maaga ang uwi namin ng daddy mo at naiplano ko na."

"Mom, dapat ay hindi engrande. I'm fine with just being with my friends." giit ko habang umuupo. Ganon din ang ginawa ni Noah.

"This party will be intimate, don't worry. Hindi engrande, simple lang. Alam mo namang pag nandito ang tita at tito mo ay mahilig sila sa mga family occassions. Bago bumalik ng Los Angeles ay gusto nilang magkaroon ng ganito." ani mommy.

"I will invite some business partners and friends, Megan." Sabi ni daddy na sa wakas ay napatingin sa akin.

Tumango ako at bumaling kay Noah. "Okay po."

"Noah..." Malamig na sinabi ni daddy.

Nilingon ko si daddy at nanlaki ang mata ko. Handa na akong pagitnaan ang masasakit na salita na maaari niyang sabihin kay Noah.

"Invite your family." Ani daddy.

Kumunot ang noo ko at nilingon ko si Noah. "Yes, tito."

Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni mommy. Hindi lang ako ang gulat rito. Pati siya. Umubo si mommy at bumaling sa akin bago nagsimulang pag usapan iyong susuotin kong gown na gawa ng paborito niyang designer.

I'm fine with everything as long as it's not a ball gown. Pareho naman kami ng taste ni mommy kaya hindi na ako nagulat kung nagustuhan ko ang venue na garden ang theme. Long flowing gown na kulay itim ang gusto niyang suotin ko. Maraming kilalang personalidad sa showbiz at may media pang kasama. Intimate but I can't say it's not grand. It still is grand!

Nakatingin ako sa kay daddy at Noah na parehong nakatayo malapit sa swimming pool at nakatalikod sa amin habang pinapakita ni mommy iyong design ng gown at iyong iba pang detalye sa magiging party ko. Nagsasalita siya ngunit hindi pumapasok sa utak ko lahat ng kanyang sinasabi dahil nanatili ang atensyon ko sa dalawang lalaki sa buhay ko.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon