PAMILYA

73 31 39
                                    

Pamilya
[August2017]

Mga panahong puro pagkain at laro pa lamang ang nasa isipan
Aking pinakahahangad ang masaya't matiwasay na pamilya
Bakit?
Kagaya lamang ng mga masasayang pamilya sa mga teleserye't pantasya.
Yung tipong puro kasiyahan at kainan lamang,
Yung walang tampuhan, iyakan o kalumbayan man.
Marahil, sa mga panahong yaon, ako'y musmos pa lamang.
Musmos, na wala pang alam sa kung ano ang realidad.

Nagdaan ang mga taon, mga buwan at oras,
Naglakbay na rin sa loob ng mahabang panahon sa masalimuot na mundong ito.
Naimulat ang akin sarili,
Napagtanto na hindi lamang patunkol sa saya ang pamilya,
Kundi kalipunan din ng mga pagtangis, pagsubok at problema.

Hindi mabubuo ang pamilya kung walang mga magulang.
Bahagi pa lamang nila, mga pagod, bigat at lungkot na.
Mga itsutrang dulot nito, na halos di ko maipinta.

Marahil, hindi man nila sabihin, ramdam ko ang kanilang pasanin.
Mga panahong halos bumitaw na, dahil sa hirap ng buhay dito sa lupa.
"Mga anak, mga baon ninyo, pasensiha na't iyan lamang ang maibibigay ko. Kapos kasi tayo. Hayaan ninyo, sa susunod, daragdagan ko"
Mga katagang sa tuwing aking naririnig,
Ngumingiti na lamanh ng pilit na katumbas ay sakit.

Sa aming kapatiran, mga di pahkakaunawaan, inggitan, at lamangan
Siyang bunga n awayan na maaring di na magkakibuan.

Sa mga suliraning kinakaharap ng pamilya,
Minsa'y napapatanaw na lamang sa itaas.
Na para bang ito na ang wakas.
Ibinubuhos na lamang ang damdamin sa ibang tao at sa mga masasayang bagay,
Maaliw lamang ang sariling tila walang buhay.

Gaya ng sabi ng aking ama,
Walang perpektong pamilya.
Nariyan ang hitap, pagsubok,
na siyang balakid papunta sa tuktok.
Subalit sa kabila ng lahat,
Sa palagay ko'y di pa sapat.
Dahil sa mga pagkakataong may pighati,
Pamilya'y nagwawagi.
Sa tuwing tayo'y sinusubok sa buhay,
Sa panig ng pamilya, tunay, tumitibay.

__________

Burning Sapience [Poem Compilation]Where stories live. Discover now