Prologue.

33.1K 451 17
                                    

Prologue.





Nasa loob pa lang ako ng airport ay marami nang kumukuha ng litrato ko, nagpapapicture, nagpapaautograph at bumabati. Im happy na hanggang pilipinas may nakakakilala sakin. Sinuot ko ang shades ko at sinundan ang mga guard papunta sa VIP waiting room.






"Drinks? Ms. Layla?" Alok ng isang babaeng may dalang tray ng juice.





"Yes please" I answered and smiled. Maingat niyang nilagay niya ang juice sa lamesa ko.





"Ms. Layla pwede po bang magpapicture? Isa lang po super fan niyo ako eh lagi ko kayong pinapanuod sa tv. Ang sexy niyo po at napakaganda talaga" She said with excitement on her eyes. Natuwa naman ako.





"Thank you sa suporta mo and sure we can take a picture." Excited siyang nilabas ang phone sa bulsa at saglit kaming nagpicture dalawa.






"Ms. Layla andyan na po ang sundo niyo." Ramon said, He's my bodyguard. Kasama ni Ramon si Peter at bago ako lumabas ng vip waiting room ay nauna na sila sumunod naman ako as always. Mabilis kaming nag lakad palabas ng airport. 

Hindi pa ko tuluyan nakakalapit sa exit ay natuwa na ko sa fans na naghihintay sa labas. May tarpulin pa sila at ang iba ay may tshirts pa. Lahat sila ay sinisigaw ang pangalan ko at exicted na makita ako. Hindi lang babae, meron ding mga lalaki na tuwang tuwang naghihintay sa pagdating ko. Pagkalabas ko ng pinto ay madami na agad sunod sunod na flash ng camera ang tumambad sakin.

"LAYLA I LOVE YOU!"

"LAYLA ANG GANDA MO TALAGA!!"

"LAYLA! IDOL!"

"ANG SEXY MO LAYLA!!"

Ilan lang yan sa mga narinig kong sigaw ng mga fans ko. Hindi naman ako tulad ng ibang artista na mailap sa mga fans. Tinapik ko ang dalawang bodyguard ko at tumigil naman sila. Lumapit ako sa ibang fans na gustong magpapicture at mag paautograph. I cant believe na sa isang iglap ganito na ko kasikat. 


"ATILAH! ATILAH!" a group of people caught my attention. Atilah? napatingin pa ko sa likuran ko. Sakin sila nakatingin pero Atilah ang sinisigaw nilang pangalan. I don't know why pero i have this strange feeling inside my system that made me walk into their direction.

I excused myself into the sea of people screaming my name just to go to this group of people who calls me "Atilah". Hindi pa ko tuluyang nakakalapit ay nakita kong umiyak na ang isang lalaking kasama nila...teka lalaki ba yun?

"Oh shit, it's really her." Seryosong sabi pa ng isang lalaking kasama nila at tumingin siya sa kakambal nito, yes may kambal and they both look freakin good.

"Atilah, is that you?" Tanong pa ng isang lalaking nakayakap dun sa isang bading ata yun na umiiyak pa rin at napapahagulgol sa tuwing tumitingin sakin.Weird.

"Atilah? Sorry pero Layla ang pangalan ko. I'm Layla Beatriz Trinidad." I politely said. Nagkatinginan silang lahat na may halong pagtataka sa mga mata nila.

"You're not Layla Trinidad.." A serious sexy voice caught me at napatingin ako sa isang lalaking sumingit sa gitna ng mga lalaking nasa harapan ko. He was tall and he have this expressive brown eyes. I cant seem to resist it. Ang sarap tignan ng mga mata niya.

"You're my girl and your name is Atilah Rae Palvin." 

-------

a/n: Thank you Sweetest_Princess para sa bagong pangalan ng ating bida XD 

lahat po ng bagong characters ko dito ay sakaniya nang galing ang mga pangalan na siyang kinatuwa ko dahil mahina ako sa pagpapangalan ng mga characters ko XD

Kung gusto niyo po magpatulong sakaniya follow niyo lang po siya at imessage :> 

-SigridBayrante

So Close Yet so Far.(Badboy VS. Badgirl, Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon