Back Hug

1.2K 55 73
                                    

“kape ka ba?”

“baket?” -_-

“kasi kung kape ka ako creamer, blend tayo dalawa. Ayiee!” at sinundot niya ako sa tagiliran na kaya napa ‘ekk’ ako.

“eh bakit ako ang kape?maputi naman ako ah!”

“parehas pa din yun!”

“di ah!itim ang kape puti ang creamer” T^T

“oh sige sige, ikaw na ang creamer ako na ang kape” ^_^

“ganyan! Matutong sumunod ke commander”

“yes maam!”

Nasa loob kami ng simbahan at kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng misa. Sinama ko si Billy para naman kahit papano maputulan ng kaunti ang sungay. Muntik pa ngang masabit pagkapasok palang namin  eh. >.<

“Cologne ka ba?”

“ano ka ba Billy nasa simbahan tayo, panay ka naman banat ng banat diyan eh. Makinig ka nga”

“kakaantok eh” he make a fake gape

“asus!palusot ka lang!”

“Let us all stand” ang pari

“oy!tayo raw oh” nagpatiuna na akong tumayo sa kanya

“All stand, Pft..” pero tumayo naman siya.

Pagkatapos ng misa pumunta kami ng park, naghanap kami ng bakanteng bench. Di naman kami nabigo may nakita kaming isa, nag unahan kami sa pagpunta sa bench. Ganun kami, boyfriend ko man siya pero parang hindi. Magulo nga kasama eh, pero ewan ko ba kapag kasi kasama ko siya I feel secured. Sa kadahilanang lalaki siya plus matangkad pa, kasabayan niya si daddy long legs sa  haba ng mga hita kaya nauna siya sakin. -_-

“ambagal!!!hahaha”

“sori naman!babae eh!dalagang pilipina kaya ako” =_=

“asus!palusot si binibining Jess”

“naman” at naupo na ako sa tabi niya.

“nagugutom ako” sabi ko

“hanubayan! Kain nanaman! Pwede ba pagsabihan mo mga boarders mo sa loob ng tiyan mo na hinay-hinay lang, mabubutas bulsa ko niyan eh”

“pero tumayo ka naman” :3

“wala akong magagawa, utos ni commander eh”

“salamat!!!”

Umalis siya para bumili ng makakain, di naman kalayuan ang pagbibilhan niya kaya site na site ko si Billy. Habang umuorder siya, may mga lumapit sa kanya, sa pagkakabilang ko ng aking 20 by 20 vision anim sila. Mukhang di naman oorder kasi kay Billy nakaharap, yung isa tumingin pa nga sa akin. Di ko lang pinansin kasi baka kakilala lang. friendly masyado si Billy, kaya di maiiwasang maraming nagkakagusto sa kanya. Sino ba naman ang hindi, gwapo, matangkad, broader shoulders, joker, malambing  isa lang ang di ko magets, di siya nagseseryoso sa buhay. Ng may maalala ako, binuklat ko ang bag ko, hinahanap ko ang lip tint ko. Pagkabukas ko nahulog yung takip. Ayt…. -_-‘

Yumuko ako para hanapin ang takip.

“gotcha!” pagtayo ko, bigla akong niyakap ni Billy mula sa likuran. Diko man lang napansin na nakalapit na pala siya.

“oh bat ka nakayakap?”

“namiss lang kita” at hinigpitan niya pa ang pagkakayap sakin.

“miss you too” ^__^

Nanatili kami sa ganong posisyon ng mga 2 minutes. Nagpapakiramdaman lang. hanggang sa siya na ang nagsabing  “upo na tayo”

Kinabukasan paggising ko tiningnan ko ang cellphone ko, nauuna kasi si Billy maggreet ng goodmorning sakin. Walang unread messages            . Akon a ang nagtext sa kanya.

Back HugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon