"Ano pong pagkain, inay?" tanong ko.

"Nagluto ako ng adobong pusit, tsaka sinabawang talbos ng kamote. Iyang anak mo, gustong-gusto niyan ng gulay. Lalo na ang talbos."

Natutuwa at nangigigil kong ikinulong sa mga palad ko ang pisngi ni Simplicity.

"Ang galing naman ng baby doll ko, kumakain ng gulay."

"Oo, nadaig ka pa. Noong bata ka ay napakahirap mong pakainin ng gulay, kaya madalas kitang nagugulpi, eh."

Nagkamot ako ng ulo.

"Mahilig po sa gulay si Code."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang impormasyon na iyon. Siguro dahil iyon ang bigla kong naalala.

"Ah, namana naman pala ng apo ko sa tatay niya ang pagkahilig sa gulay." ani inay.

"K-Kumain na nga po tayo. Nagugutom na ako." iyon na lamang ang nasabi ko.


"Kamusta nga pala ang lakad mo kanina? Ano bang napag-usapan niyo ni Donya Leticia?" tanong ni inay habang naghuhugas kami ng pinggan. Si itay ay binabantayan naman si Simplicity, habang nanonood sila ni mang Dario ng basketball.

"Naimbitahan po ako ng Donya sa birthday ni Don Leonardo bukas. Ang sabi pa nga niya ay pwede ko rin daw kayong isama."

"Ay nakun! Hindi kami bagay sa mga ganyang kasiyahan, Persis. At saka sinong magbabantay kay Simplicity?"

"Iyon nga rin po ang iniisip ko kaya tumango na lang ako sa Donya. Nasabi rin sa akin ni Donya Leticia na ngayon ang dating ng Downtown."

"Wala ka na talagang ligtas kay Code. Basta wag mo ng aksayahin ang panahon, anak. Kausapin mo na agad at sabihin sa kanya ang totoo, sa oras na magtagpo kayo."

Para bang napakadali lang ng inuutos ni inay. Kung alam lang niya na isipin ko pa lang na magkikita kami ni Code ay nanginginig na ang mga tuhod ko.

Dahil natitiyak ko ng hindi ko makakasama ng buong araw bukas ang anak ko ay pinatulog ko ito sa tabi ko. Usually kasi ay sa crib ito natutulog. Ang sabi ni inay ay napakalikot daw nitong matulog at isang beses na itong nalaglag sa kama nila nang itabi nila ito.

Nilagyan ko ng mga unan ang gilid ng kama ko upang magsilbing harang kung maglikot man si Simplicity. Tumagilid ako ng higa, itinukod ang siko ko at sinapo naman ng palad ko ang aking ulo. Napapangiting pinagmasdan ko ang anak kong mahimbing na natutulog, habang nakapasak sa bibig nito ang bote niya ng gatas. Marahan kong hinaplos ang buhok ni Simplicity at saka ko siya hinalikan sa gilid ng kanyang noo.

Nawala man si Code sa akin ay ibinigay naman ng diyos sa akin si Simplicity. The Diversion of all the pain and misery that I have in the past.

Ganoon pa man ay hindi maipagkakaila ng damdamin ko na nangungulila ang puso ko kay Code. Siya pa rin ang lalaking nagmamay-ari ng malaking bahagi ng puso ko. Sa dalawang taon na lumipas ay hindi ako naattract sa kahit na sinong lalaki, may ilan din na nagpalipad hangin ngunit hindi ko binigyan ng pagkakataong makapasok sa puso ko.

I preserve my heart to a man that happily in love to someone else.

Para akong nagpakawala ng isang ibon sa hawla ngunit nang lumipad ay ako ang nakulong. I let him go while I'm still loving him. Nakulong ako sa pag-ibig na kahit anong pagpupumiglas at pagkawala ang gawin ko ay mas lalo lang akong ginagapos nito.

At kahit paulit ulit kong sabihin sa lahat na masaya ako para kay Code dahil nakahanap na siya ng bagong minamahal, sa kaibuturan ng puso ko ay para akong nalulunod sa panibugho.




Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now