Kabanata 22

1.4K 51 12
                                    

Kabanata 22
Trap


Mabilis na lumipas ang mga araw. Napabasa ko na rin kay Code ang contract namin ni sir Rem at wala naman daw siyang nakikitang mali roon, katulad nga ng pagkakaintindi ko sa mga nakalagay doon ay maayos at maganda naman ang nakasaad sa agreement, ayon kay Code. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na pirmahan iyon at tatlong araw na ang nakakalipas nang maging official kong music producer si sir Rem.

Samantala, hindi ko na hinayaan si Code na samahan ako sa mga meetings ko kay sir Rem at Mr. Raymundo dahil ongoing pa rin ang pagtatago namin ni Code ng relationship, sa kadahilanang kababagsak pa nga lang ng tsismis tungkol sa hiwalayan nila ni Laarnie. Pero dahil manager ko si Mr. Raymundo ay sinabi ko sa kanya ang totoo at ilang beses na rin niyang namemeet si Code, magkakilala nga rin si sir Gerry at Mr. Raymundo kaya agad na napalagay ang loob namin sa kanya.

About naman sa pagtugtog ko sa bar ni ate Alyanna. Nagpaabiso na ako sa kanya na hindi na muna ako tutugtog dahil magsisimula na ang recording ko sa unang single na ilalabas para sa una kong album. Irerecord namin iyong ginawa kong kanta noon, na kinanta ko sa nag-viral na video ko noon.

Napakasupportive ng lahat sa akin at ang swerte ko roon. From my dormmates, mga kababata ko sa Ashralka, kay Brayden at sa ilan kong kaklaseng hindi plastik, sa Downtown, pamilya ko at higit sa lahat, kay Code. Sobra-sobrang suporta ang ibinibigay niya sa akin, hindi niya lang pinalalakas ang loob ko sa tuwing sinasabi ko sa kanyang kinakabahan ako, binibigyan niya rin ako ng payo.

"Ang ganda niya!" ani Jenielyn habang nasa mall kami at naglalakad-lakad. Papunta kasi kami ngayon sa National Bookstore para mamili ng materials na gagamitin ko sa bago kong project.

Nagkataon lang din na magkasabay na natapos ang klase namin ni Jen, kaya magkasama kami ngayon.

Nahinto kami sa tapat ng isang kilalang clothing line at pareho kaming namamanghang nakatingin ngayon sa malaking pictures ng babaeng nasalubong namin ni Code noon sa may Central Square.

Nakalagay sa ibaba ng picture ang pangalan ng babaeng modelo. Aviana Olaivar. Even her name sounds exclusive.

"Pag ako ganyan kaganda, manghuhunting ako ng maraming gwapong lalaki." dagdag pa ni Jenielyn habang tumatawa.

Nakakawala ng self-esteem ang ganda ni Aviana, but as long as my man is blinded by her beauty nothing to worry about. Napaka-loyal yata ng Nicodemus ko.

"Halika na, Jen. Kailangan kong makauwi ng maaga para matapos ko agad yung plates ko." apura ko sa kanya.

"Anak siya ng isang beteranang singer. Si Luwalhati Olaivar na napangasawa iyong gwapong action star na si Dante. Crush na crush ni mama iyon, mala Robin Padilla kung umasta pero mas gwapo si Dante kay Robin." kwento pa ni Jen habang naglilibot kami rito sa loob ng National Bookstore.

Kanina pa siya panay kwento tungkol kay Aviana. Laking ibang bansa raw ito dahil doon nag-aral at ngayon unti-unti ng nakikilala sa larangan ng pagmomodelo. Nang mag quit sa showbiz ang parents nito noong bata pa siya ay tumira raw ang mga ito sa ibang bansa at ngayon ay naninirahan na ulit ang mga ito sa pilipinas, pero etong si Aviana raw ay ilang linggo pa lang nang makabalik dito sa pinas.

Nagagandahan lang naman ako kay Aviana pero wala akong interest sa buhay niya.

Pag-uwi namin ni Jen sa dorm ay naging abala ako sa paggawa ng project ko. Ilang tawag ni Code ang hindi ko nasagot dahil hindi ko namalayan, nasyado kasi akong nafocus sa ginagawa ko, pero nasabi ko naman sa kanya na kailangan ko munang mag focus sa project ko at alam ko na nauunawaan ni Code iyon.

"Ano?" bulalas ko.

Nagising ang natutulog ko pang diwa dahil sa sinabi ni Code nang sagutin ko ang tawag niya. Nakalimutan ko ngang may mga kasama pala ako at kumakain kami ngayon ng almusal.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن