Dumating na kami sa studio at pinagkukuha na namin ang gamit at masuyong nagpaalam sa lahat. Nagpasalamat sa manager, staffs, crew at sa lahat ng taong umalalay sa amin noong practice days namin.

Sa huling pagkakataon, yumuko kami sa harapan nila at nagyakapan. Mukhang hindi na masusundan ang ganitong eksena kaya nilubos na namin. Nabusog kami s amga baong pangaral, advice at kung ano-ano pang speech at hindi napigilan ng iba ang maiyak sa nangyayari. Ang turingan namin sa isa't isa ay parang pamilya at nagtutulungan.

Pumuslit ako kaagad nang magpaalam na ang iba. Dumiretso ako sa parking lot at inilagay ang gamit ko sa basket na nakakabit sa harapan ng bike ko. Nagpalit na rin ako ng jogging pants para komportable ako sa pagbyahe. Saglit lang naman ang ibibike ko dahil sa kabilang bayan lang ito.

Habang binabagtas ang mahabang kalsada, maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Isa na roon ang tanong na 'Ano ang matatamo ko sa mga paganito ko na raket?' I can't imagine myself starving because I lose the competition. At the end of the day, kailangan ko ng matinong trabaho.

Natatanaw ko na ang bahay ni Stell na sobrang liwanag. May ibang tao sa bahay? Ipinarada ko ang bike sa gilid at binitbit ang gym bag sa kaliwang braso.

Tinungo ko ang pintuan at kumatok.

"Stell?"

Hinawakan ko ang busol at inikot ko ito. Tumambad sa akin ang salang malinis at bukas lahat ng ilaw.

"Stell?" Tinawag ko s'yang muli pero tanging tunog lang ng fan ang sumagot sa akin. Ibinaba ko ang bag sa sofa at nagikot-ikot.

"Stell?" Pangatlong beses na tawag ko sa kan'ya. Pinatay ko ang ilang ilaw na hindi naman kailangan, naiwan ang liwanag sa ceiling ng sala.

Narating ng paa ko ang dining area at wala pa rin s'ya.

"Stell, andito na--- shit!"

Kumaripas ako ng takbo at nabangga ko pa ang upuan sa pagmamadali. Nakaupo si high stool ng island counter at nakadukdok. May ilang in can na alak sa paligid n'ya. Hinawi ko ito, niyakap s'ya patalikod at buong lakas na inangat.

"Stell! Gising! Stell!" Tinapik ko ang pisngi n'ya habang tinatawag. I heard a groan as an answer.

"Anong nangyari, Stell? Bakit ka...naglalasing?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga alak sa harapan n'ya. Inalis ko rin ang hawak n'yang bote at magaan na lang ito. Ubos na.

Nagtaas-baba ang balikat n'ya at humihikbi na. Umiiyak na naman s'ya. Kailan ba mauubos ang luha nito?

"Josh...." Nabasag ang boses n'ya. Alam n'yang nandito na ako.

"Josh, bakit gano'n? Ayaw ba sa akin ng mundo? Bakit parang lahat inaayawan ako? Lahat na lang iniiwanan ako..."

"Hindi kita iiwanan," sinagot ko ang huling tanong n'ya. Bumuhos na naman ang luha n'ya hanggang sa naririnig ko ang malakas n'yang hikbi. Ang sakit sa loob pero hindi dapat ako magpatalo sa kahinaan ko. Kailangan ako ni Stell.

"Stell, kung pagod ka na, pahinga ka na muna, sige na? Akyat na tayo, tutulog na tayo. Tama na 'yan." Itinayo ko s'ya at hindi na s'ya muling nanlaban. Wala na s'yang lakas para labanan ang bisig ko.

"Josh, sana isang araw ako naman 'yung tinitingala nila. Sana isang araw ako 'yung iniidolo nila, ako 'yung ginagaya nila, ako 'yung gusto nila. Mangyayari 'yun 'di ba? Mangyayari 'yun 'di ba, Josh?" Kahit nakapikit, nagsasalita pa rin s'ya at humihiling. Kapag mababanggit n'ya ang pangalan ko, mas lalo akong nasasaktan dahil parang ako lang ang kakampi n'ya.

"Pagod na ako, Josh. Pagod na akong i-please lahat ng tao. Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso." Hinampas n'ya ang dibdib n'ya gamit ang kamao sabay hagulgol ulit.

Hindi ako makasagot hanggang sa nakaabot kami sa kwarto n'ya at 'di na muling nagsalita pa.

Inihiga ko s'ya sa kutson at hindi na kinumutan. Alam kong kikilos pa s'ya para linisan ang sarili maya-maya. Umupo ako sa tabi n'ya.

Mahimbing na s'yang natutulog at unti-unti nang natutuyo ang mga luha n'ya.

"'Wag kang susuko, Stell. Lumaban ka lang, kailangan ka pa namin. Gusto pa kitang makasama sa success ko. Kasama mo ako, hanggang sa huli."

Huminga ako ng malalim at nalanghap ang hangin mula sa bukas na bintana.

"If you need someone to talk to, I'm always here. Hindi kita iiwanan, hindi kita susukuan, Stell. If you want to subside everything...then go. Alam kong makatutulong 'yan."

Sa sobrang pagod, hindi ko na namalayang nakahilig na ako sa pader at napipikit na ang mga mata sa antok.

"Ako ang pipili sa'yo kapag inaayawan ka na ng mundo."

----

STAN TALENT, STAN SB19.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now