Foreword, Preface, Introduction, etc.

200 2 4
                                        

Foreword, Preface, Introduction, Prologue, Epilogue, Prelude, Description, Sypnosis


- Serenity Annesley, Airel Yuen, Reedsy

Foreword

Ang foreword ay kagaya rin ng introduksiyon pero ibang tao (panauhin o guest writer) ang nagsulat ng foreword. It means hindi ang may-akda/awtur ang nagsulat ng foreword. Kahit sino ang puwedeng sumulat ng foreword basta ang mahalaga ay nabasa nuya na ang buong kuwento. Depende nalang iyan sa kung sino ang pipiliin ng may-akda.

Ang panauhin o guest writer ay hinihikayat niya ang mga mambabasa na basahin ang kuwento o isang akda. Hindi lang tungkol sa kuwento ang ibinabahagi ng guest writer, pati na rin ang papuri nya o opinyon niya sa akda o kuwento at ang mga pangyayari na mayroon sa kuwento na nangyari sa totoong buhay.


And a foreword isn't even written by the author! It's separate from the body, and (AI: usually) written by an expert in the field who adds credibility to the subject of the book.


Preface

Ang preface ay isinulat ng awtur ng isang akda. Nakapaloob sa preface kung paano nabuo ang isang akda o bakit naisipang isulat ang istoryang iyan, kung anong proseso ang ginamit ng awtur sa pagsusulat sa isang tiyak na akda, at ano o sino ang naging inspirasyon para gawin ang kuwento.


A preface is written by the author about the book and is separate from the body of the book (the pages with Arabic numbers).

Introduction

Ang introduksiyon ay ang nilalaman ng kuwento. Kung ano ang makukuha nila sa pagbasa ng isang akda at kung ano ang dapat nilang malaman sa pagbasa ng librong ito. Pagkakataon ito ng awtur na isiwalat ang mga impormasyon na kailangang malaman ng mambabasa. Pero hinay hinay sa pagsisiwalat, baka maging spoiler kana.


An introduction is written by the author about the subject of the book and is part of the body.

Prologue

Hindi naman talaga siya kinakailangan. Bago ka gumawa ng prologo, tanungin mo muna sarili mo kung kailangan mo ba talaga ng prologo at kung paano mo ito gagawin. Nakapaloob sa prologo ang sumusunod: isang pangyayari sa kuwento na makakakuha ng interest o atensyon ng mambabasa; isang pangyayari sa nakaraan na may malaking bahagi sa kuwento; magsiwalat ng ibat ibang point in time. Halimbawa ang prologo ay ibinahagi ng bida na nasa kanyang 80's na at binabalikan ang nag daan. Chapter 1 na agad pagkatapos nyan. I guess mahirap tong point in time.

(AI: You can know more about prologues in the past chapters.)

Epilogue

Huling parte ng isang kathang-akda (fiction books). Gaya ng prologo, hindi rin naman ito kinakailangan. Ang epilogo ay paghahandog ng kabatiran o pang unawa sa kabuuang kuwento. 'Di rin kailangan na klaruhin mo ang lahat o magtatapos sa happy ending. Much better kung may mangyayaring shift narration. Kung saan isa sa mga karakter ay magbabahagi ng kanilang pananaw tungkol sa mga nangyari sa buhay nila, Pwede rin namang same narrator nalang. Your choice, your music.

Prelude

Ang prelude ay para sa musika. Ito ay isang konting pyesa ng musika na nagsisilbing introduksiyon. Ang kaibahan nito sa prologue ay ang prologue ay para sa literatura at ang prelude ay para sa musika.

Description/Teaser

Ito po iyong makikita natin sa story na pa-tease lang. Ang karaniwang format nito ay introducing the character, then introducing the main conflict, at tinatapos sa tanong na mas maganda raw po na hindi yes or no lang ang sagot (why or how).

Sypnosis

Mismong summary ng kuwento natin na hinihingi kadalasan ng isang publisher. Nakalagay dito ang importanteng mangyayari.

From Google:

A synopsis is a summary of a book that familiarizes the reader with the plot and how it unfolds. ... While writing your synopsis, make sure that it includes: A complete narrative arc. Your own voice and unique elements of your story.

Hands Which Cannot WriteWhere stories live. Discover now