At mayroon ding Laboratory Research Room—sabi ni Keigo, sa Papa niya raw talaga 'yung room na 'yon. Scientist daw kasi ang Papa niya. Ang cool, 'di ba? May mga chemical nga roon sa laboratory, siguro gumagawa 'yung Papa niya ng experiment doon.

Tapos may Planetarium/Star Chart Map room kung saan puro connected sa Astronomy ang nandoon, parang astronomy exhibition. Ang ganda pa nga noong malaking solar sytem na figure, pati 'yung milky way galaxy na may mga stars na figure—parang totoo lahat!

At last but not the least, may living room—'yon lang ang nag-iisang room kung saan walang free fall. May gravity doon kung paanong may gravity rin sa Earth! Ibig sabihin, hindi lumulutang kapag pumunta roon. Nung pumunta nga kami kanina ro'n, hindi kami lumutang, at kakaiba 'yung feeling. Sinasanay ko na rin kasi ang sarili kong nakalutang lang. Kaya nung pumunta kami ro'n sa living room, nakalimutan kong may binti pa pala ako na dapat ginagamit sa paglalakad.

Napahikab ako, mamasa-masa ang mga mata ko. Inaantok na ako, pero hindi ako makatulog. Kasalukuyan ako ngayong nakabalot ng sleeping bag, ang sleeping bag ay nakatali sa pader, izinipper ko paitaas sa katawan hanggang sa dibdib ko ang sleeping bag. Nandito ako ngayon sa sleeping room ko, dahil oras na sa pagtulog kung nasa Pilipinas. Madilim dito dahil pinatay ko ang ilaw, pero dahil napapalibutan ng mga glow in the dark stars at moon at planet stickers ang buong pader dito, lumiliwanag. Ang weird kasi hindi nakahiga kapag natutulog dito—parang nakatayo ganun. Wala ring unan at higaan or kama, pero ayos pa rin naman dahil lumulutang ako. Sa paglutang pa nga lang, parang nakakapagpahinga na kasi hindi na kailangang maglakad.

Pero siguro kasi hindi pa ako sanay. Pinagmasdan ko ang mga glow in the dark moon, stars, planet stickers na nakadikit sa pader sa tapat ko. . . ang ganda. Ang nostalgic.

Pumikit ako para matulog na. Pero maya-maya, ramdam ko na lang bigla ang pagtaas ng mga balahibo ko, namumuo ang mga luha ko. Feeling ko inatake ako bigla ng kalungkutan. Na-h-homesick ako, miss ko na ang bahay . . . at sina mama, papa't ang mga kapatid ko. Kung nasa bahay ako, siguradong nagpupuyat ako kakanood at kakabasa ng Astronomy sa kuwarto, tapos papagalitan ako nina mama dahil late na ako natutulog. Nakaka-miss din pala 'yon.

Naisip ko . . . saan kaya kami pupunta ni Keigo? Dito lang ba kami sa space?

Kailangan kong i-embrace kung paano ang buhay dito sa space—kung paano manirahan dito kasi hindi ko na ulit magagawa ang mga 'to sa Earth kapag nakabalik ako ro'n, pero . . . makakabalik pa kaya akong Earth? Napabuntong-hininga na lang ako.

Maya-maya, nang hindi pa rin ako makatulog. Nag-decide na akong bumaba muna sa sleeping bag ko't lumabas ng sleeping room ko. May tatlong sleeping room dito, kay Keigo ang isa—'yung katabi kong room. Sarado ang pinto ng sleeping room niya, baka tulog na siya. 'Yung pinto ng mga sleeping room namin ay 'yung normal na pinto, 'yung binubuksan at sinasara, hindi siya 'yung automatic na parang sa elevator.

Kapag lumabas ka ng sleeping room, ang sasalubong sa 'yo ay ang kitchen/dining room.  Umupo ako sa upuan, pero hindi actually upo dahil lumulutang talaga ako. Nakakatuwa nga, parang hindi rin kasi nagagamit ang mga upuan dito dahil hindi naman kami nakakaupo talaga. Nag-iisip-isip lang ako, nakatulala. Nakalutang na nga ako, tapos lutang pa ang isip ko.

Maya maya, dumating si Keigo, pero hindi siya galing sa sleeping room niya.

Pumunta siya sa machine kung saan nandoon ang mga drinks. Napabuntong-hininga na lang ako, iinom yata siya—hindi ko alam kung ano. Habang naghahanda siya ng iniinom niya ro'n, nagsalita siya, "Pupunta tayo sa ISS."

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon