Gwyn_Rory: Ew ang jeje!

Ashton.M_: Ew ang ingay

Gwyn_Rory: Luh

Gwyn_Rory: Di nga ako nag sasalita eh

Ashton.M_: I'm blocking you

'Medyo pikon ha,' Gusto kong matawa ng malakas. Baka nga ang lalim na ng kunot ng noo nito dahil sa kagagahan ko. He's not really gonna block me, is he? Nah, 'di niya kaya yan.

Gwyn_Rory: No!

Gwyn_Rory: Wag!

Gwyn_Rory: Di na kita kukulitin!

Gwyn_Rory: Pramis!

You cannot reply to this message.

'Shet, seryoso pala siya don,' Tumawa na ako ng malakas at napagulong sa kahihiyan sa kama ko. Pinaghahampas ko yung unan ko dahil sa mga chinat ko sa kanya. Hiyang-hiya ako sa mga chinat ko pero tuwang tuwa ako sa reaksyon na nakukuha ko. Baka nga kinikilig lang 'tong si Ashton kase kachat niya ako pero in denial lang. I mean, libre lang mangarap eh so yun.

You cannot reply to this message.

'Pikon. Kung 'di ko lang 'to crush eh,' Hindi bale, makikita ko naman na siya sa campus eh. I won't stop until I have him opening up to me. Pero laugh trip talaga siya. Ngayon lang ba siya naka encounter ng babaeng katulad ko? I mean, I know I am one of a kind pero kung this is a first to the infamous Ashton Magsaysay, aba baka ipaplatinum ko pa ang date ngayon!

~

"Dalawang linggo na tayong tambay dito, Gwyn! Baka naman gusto mong kumain muna? Kase sa totoo lang, kinakain na ng sikmura ko yung sarili niya!" Hera whined. Nag-iinarte na naman siya sa ginagawa namin.

Andito na naman kami sa tapat ng gate 2 at nakaabang sa pag-labas nila Ashton for the nth time this past few weeks. At ilang linggo na lang ay midterms na kaya busy ang lahat sa pag-rereview or whatsoever. After midterms, finals na. Then another semester na ulit.

'Busy ang lahat sa pag-rereview tapos eto ako na busy sa pag-lalandi,' Baka sabunutan ako ng nanay ko 'pag nalaman niya 'to.

"Puro ka reklamo, nilibre na nga kita ng kikiam!" Singhal ko sa kanya. Bumusangot siya at pinakita ang plastic cup na pinaglagyan ng binili ko sa kanya. Kitang kita ko sa mukha niya na asar na asar siya.

"Anong libre? Binigay mo lang sa'kin yung tira mo, gaga! At lilimang piraso na lang yon! Mabubusog ba ako ng tira mo? Ha?" Sagot niya sa'kin. Natawa na lang ako sa kanya. Crinumple niya yung walang laman na plastic cup at galit na ipinasok sa bag niya.

'Arte arte, buti nga binigyan ko pa,' Binaling ko na lang ang mata ko sa entrance ng building nila Ashton habang patuloy na nag-rarant si Hera sa tabi ko. Hinayaan ko na lang siya kesa naman sa iwan niya ako dito ng mag isa. Para ngang kilala na ako ng janitor nila dito dahil sa dalas naming pag-aabang. Magulat na lang kayo, nakikipag apir na ako sa kanya.

"Kaya ka naboblock sa IG eh! Ano? Inunblock ka na?" She shot back at me.

"Ay excuseee me! Nakaunblock na ako," Pag-yayamabang ko sa kanya.

"Nirereplayan ba?" Napatahimik ako ng bahagya. It took me a week para maconvince ko siyang iunblock ako. Nag-lakas loob na ako mga teh to approach him. YOLO nga 'di ba? We even had a scene sa library. Kikiligin na sana ako kaso napagalitan kami dahil sa kagagahan ko. 'Pag naaalala ko yun, natatawa talaga ako.

Ngayon ko lang nawitness kung paano maasar in person ang isang Ashton Magsaysay. Mas maattitude pa kesa sa'kin. I had to promise na hindi ko siya iispam ng message. I did naman, minsan nga lang. I have to improvise para replayan niya ako. Minsan may reply naman siya kaso super iikli, pero mas madalas yung walang reply. Awit talaga.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Where stories live. Discover now