Kabanata 1

19 1 0
                                    

-Unang pag kikita-

Pau's P.O.V.

Narito kami ngayon sa entrada ng school, dahil tinutulungan namin ang mga guro at ibang magulang na mag hanap ng silid ng kanilang mga anak.

Napaka raming tao at siksikan sa bandang kanto ng aming entrada. maraming nag sisipasukan na old students, new enrollees at transfers.
Bumuhos ang napaka lakas na ulan, dahilan para mag kumpulan ang karamihan sa gitnang bahagi ng entrada.

Napaka lakas ng kumpas ng mga puno. Kanina pa makulimlim at batid ko ng uulan. Malamig ang simoy ng hangin, na aakalain mo ay simoy ng madaling araw, kaya nag dala nako ng payong.
Siksikan sa entrada at nag kakabungguan ang ilan. Isa sa mga naka agaw ng pansin sakin ay ang lalaking naka black sweater habang may naka sukbit na earphones sa mag kabila nya'ng tenga.

Makikita mo'ng hinihintay nya lang ang pag tila ng ulan, dahil imbis na tumakbo gaya ng ibang mga nandito' ay parang kampante lang sya'ng nag hihintay.

Lumipas ang ilang minuto at oras na namin'g bumalik sa silid.

"Pau, kakasya ba tayo sa payong mo? Lima tayo." wika ni gwen. Maliit na folding lang ang payong ko at lima kami, kung pwe-pwersahin namin lumusong sa napaka lakas na ulan ay mababasa ang ilan saamin. "Kaya yan. Kung may mabasa man mag palit nalang."

Sumulong kami sa ulan, ilang sandali lang ay narating na namin agad ang aming silid.
Agad kaming nag palit ng ekstrang uniporme at nag ayos.

"Kilala mo yung lalaki kanina?" tanong sakin ni anya. Binigyan ko sya ng kunot noo'ng sagot, na nakuha nya naman ang ibig sabihin.
"Nakita kita kanina, nakatitig doon sa lalaking naka sweater. Kanina kapa kinakausap ni gwen non. Nung makita ka'nyang titig na titig doon sa lalake, ay hindi nya na ipinag patuloy ang sasabihin nya."

"Hindi ko sya kilala" Pilit ngiting sabi ko.

       ~*~

-Flashback-

Ilang taon na ang lumipas ngunit ang meron lamang ako ay ang sulat nya at ala ala namin'g dalawa.
Dahil sa tsismis ay may napahamak na isa.
Dahil sa sikreto ay may nalagay sa kapahamakan.
Dahil sa hindi pag titiwala ay may buhay na nawala.

Nakangiti ako'ng nakatingin sakanya.
'Kamusta kana?' hindi ko maisatinig ang tanong ko dahil parang may bumabarang kung ano sa lalamunan ko.

-End of flashback-

      ~*~

Habang abala ako sa pag babalik tanaw, ay biglang may tumikhim sa harapan dahilan para mapatingin kami.

"Class this is Christian Tamara Gonzales . as you can see, he's a transferee student. Please approach him well." yun lang at umalis na si sir alvarez. Sya ang punong guro ng paaralan'g ito.

Nagulat ako ng pag balik ko ng tingin sa lalaking bagong pasok ay nakatingin na ito sakin, habang may malawak na ngiti sakanya'ng labi.

'Hindi kaya.. Naaalala nya rin ako? Pero, imposible.'

To be continued..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Thought You Were The Last. ( Ongoing. ) Where stories live. Discover now