Ako si Raven, 25 taong gulang, may katamtamang pangangatawan, matangos na ilong, puti at pantay pantay ang mga ngipin at medyo maputi ang balat.
Nagtapos ako sa kursong Batchelor of Science in Nursing sa University of Santo Tomas na may parangal na Summa Cumlaude.
Noong malusog pa ang aking ama ay panatag pa ang kalooban ko na magtrabaho sa isang kilalang pagamutan ngunit nang nagkaroon ng kumplikasyon ang puso ng aking ama ay napagpasyahan ko na lamang na tumigil na sa pagtatrabaho upang personal kong maalagaan ang aking ama kaysa iaasa ko pa ito sa ibang tao.
Ang aking ina ay sumama sa kanyang lalaki noong ako ay nasa elementarya pa lamang, tanging kami na lamang ng aking ama ang naninirahan sa kunkretong bahay kubo sa bukid. Malawak ang lupain ng aking ama na siyang mag isa kong pinauunlad sa tulong ng binatilyong anak ni Mang Jake na si Adrian. Sayang rin naman ang malawak naming lupain kung maiiwan lang itong nakatiwangwang.
Batid ko sa aking sarili na kahit pa marami ang nagsabi na marami akong mga dalagang paiiyakin dahil sa angking kagwapohan at kagandahan taglay ng katawan subalit para sa aking sarili, malabo yung mangyayari dahil ako ay palihim na nagtatago sa katauhan ni Eva.
Pinilit ko na lamang itago ang lahat lahat sa aking ama kapag kaharap ko siya dahil ayaw kong mabawasan ang kanyang respeto sa akin at ipnagmamalaki pa naman ako noon na ako raw ang magpaparami sa aming lahi.
ESTÁS LEYENDO
Sina Mang Danny at Brando, Mang Nestor at Mike na naging bahagi ng buhay ko
Ficción GeneralAng kuwentong inyong matutunghayan ay Rated SPG, Ito ay hango sa karanasan ng isang binatang may maypagka pusong mamon na nabibighani sa angking kakisigan ni Mang Danny at nag-iisang anak nitong si Brando, nag-iisa niyang kapitbahay sa bukid na dati...
