"Alam mo minsan kailangan din natin ng bacteria sa katawan."

Inilapag ng serbidora ang inorder niyang bulalo and rice habang ako naman ay umorder ako ng mami. Second time ko nang makakain dito pero ayoko ng alalahanin pa iyong kasama ko dahil siguradong kinakaibigan na iyon ni Satanas ngayon.

Muntik na 'kong hindi makakain ng maayos dahil sa grupo ng mga babaeng nasa kabilang table na kanina pa sinisipat sipat si Fyuch. Nakakainis! Bakit ba hindi na lang sila mag-focus sa kinakain nila! Mabilaukan sana kayong lahat.

"Mukha ka na namang papatay."

"Eh nakakairita kasi 'yung mga babaeng 'yon kanina ka pa tinitignan! Bilisan na nga nating para makaalis na tayo!" nakasimangot na singhal ko.

"Don't mind them. Ikaw naman ang nasa harapan ko."

Anubey! Kailangan bang pakiligin muna niya 'ko bago saktan? Char. Nagpahinga kami saglit before kami tumuloy sa byahe. Bumili din kami ng snacks sa isang convenience store para may kainin kami sa sasakyan.

"Anong plano mo this summer?" curious na tanong ko dahil after ng eleksyon ay parang gusto kong magbakasyon. For sure kase ay maiistress ako ng bongga that time.

"Just work." Inirapan ko agad siya.

"Wala man lang ba tayong family outing?!" medyo walangyang tanong ko.

"My family will go to Maldives. You can come if you want."

"Luh, ang sosyal naman!" reklamo ko. Wala bang sa tabi tabi lang?! "At saka nakakahiya pang sumama sa family mo. Anong role ko ro'n kapag sumama ako? Sasabihin ko ba agad na ako ang ina ng mga magiging anak mo?"

"It's up to you."

"Ay shet na malagket, approved agad?!"

Hindi ko na yata ma-reach ang level ng relationship namin. Huhuhu. Dream come true na ba ito? Kailangan ko na bang magpamisa at humingi ng basbas kay Lord? Natatawang nagpatuloy sa pagda-drive si Fyuch.

At dahil medyo nakaidlip na ako kanina, gising na gising ako para lumandi sa buong byahe namin. Feeling ko kailangan ko siyang i-entertain para hindi siya antukin sa pagda-drive.

"Fyuch, ilang anak gusto mo?" tanong ko sabay binuksan ko ang binili niyang Naturals chips kanina.

"Why do you ask?"

"Wala lang para may pag-usapan tayo. Makipag-cooperate ka na lang." Sinubuan ko siya ng chips.

"I haven't thought about that," sagot niya habang ngumunguya. Sweet namin, 'no?

"Ihhh! Ang KJ mo naman! Para sasagot ka lang naman ng ikaw bahala Portia."

Kilig na kilig na naman ako sa sarili kong mga banat. Ako na lang talaga ang nagpapakilig sa sarili ko.

"Okay." Natatawang itinukod niya ang isang siko sa may bintana habang ang isang kamay niya ang nagda-drive. Hinaplos haplos niya ang labi niya. "Ikaw ba? Ilang anak ang gusto mo?"

"Depende sa 'yo. Ilan ba ang kaya mong gawin?" mabilis na sagot ko.

Tumawa ako ng malakas sa gulat na itsura niya. Hahahahaha! Tangina kasalanan ko kapag nabangga pa kami nito! Pero dapat yata maglagay na 'ko ng hidden camera dito sa sasakyan niya para naman hindi sayang iyong mga legendary moments naming gan'to! Ang saya lang i-record ng mga epic facial reactions niya. Tapos ipe-play ko lahat ng 'yon sa wedding day namin at sabay naming aalalahanin ang aming masasayang nakaraan. Aww sweet. Kailangan kong pagplanuhan 'to ng maaga.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ako dapat ang para sa 'yo?"

"Okay. Enlighten me, then." he challenged.

STS #2: Give Me More Where stories live. Discover now