Pero paano iyong mg articles na nagsasabing si Attorney Lavender Soledad ang girlfriend ni Royce? Bakit ganoon 'yon? Siyempre hindi ako magiging asawa ni Royce kung sila nga. At ngayon... nandito siya!

The conversation continued. Ilang oras yata kaming nandoon para pag-usapan ang trabaho at kung ano ano pa. Napag-usapan din namin ng kaunti ang kabataan nila.

Lavender Soledad is Royce's childhood friend. Halos sa kanila na tumira si Lav dahil malapit lang ang bahay nila kina Royce. They grew up together so naturally she knows so many intimate things about Royce.

Pareho sila ng highschool at nagsumikap din si Lav na makakuha ng scholarship para pareho sila ng college ni Royce. I wonder then if they had any relationship more than friends?

"Hindi ka ba nagulat, hija?" si Tiya na tinutukoy ang kasal namin kay Lavender.

Binaba ni Lavender ang iniinuman.

"Hindi naman po, Tiya. Alam ko naman po ang mga plano ni Royce. Kaya hindi na ako nagulat sa kasal nila ni Sky," sabay ngiti niya sa akin.

Ni hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi.

"I understand, Tiya... Biglaan lang din talaga ang desisyon ko."

"Oo nga. May nababasa pa ako sa balita pero spekulasyon lang naman iyon. At hindi mo naman ugali iyon..."

"Na ano po?" si Royce.

"Na... para sa negosyo lang daw ang kasal," tumawa pa si Tiya.

My heart skipped a beat. Nakita ko ang angat ng tingin ni Lavender sa akin.

"Hindi po totoo 'yon," Royce lied.

"Iyon na nga, e. Mga tao talaga... kung ano ano ang mga sinasabi."

"Marami rin kasi ang nag-aabang na bumagsak si Brandon Rockwell, Tiya, kaya ganoon."

Royce sighed. "Lahat naman ganoon kapag nasa tuktok, Lav."

Lav... That sounds like my endearment to him. Love... I call him that but he can't call me the same.

Yumuko ako at tahimik lang.

"You know that, right?" Lavender asked and looked at me.

"Ah. Oo. Ganoon talaga sa negosyo..."

I volunteered to wash the plates. Nagkahiyaan pa kami ni Tiya pero sa huli sinabi ni Royce na ako na ang bahala.

I started washing them manually when he suddenly stood beside me to wash the spoon and fork.

"Ako na nito. Doon ka na sa sala..." sabi ko.

He chuckled. "Mas mabilis kapag tayong dalawa."

"Nakakahiya naman sa bisita. Wala ni isa sa atin ang nag ientertain. SIge na..."

Nagkatinginan kami. There's a ghost of a smile on his lips and his eyes were narrowed indulgently.

"No..."

"Royce..." saway ko.

"Royce, tawag ka ni Tiyo..." si Lavender na nasa likod pala yata namin.

"Oh?"

Royce washed his hand and wiped.

"Balikan kita dito," bulong niya bago ako iniwan doon.

Nilingon ko si Lavender at nakitang nagliligpit pala siya ng tirang pagkain. I sighed.

Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinggan nang lumapit si Lavender sa akin. Tumabi siya. She eyed the now done spoon and fork. Si Royce ang naghugas noon kanina. Sinulyapan ko siya bago ko nilapag ang mga baso.

"Ayos lang. Ako na rito," sabi ko sabay pakita niya sa tinidor.

Nagulat ako at natigilan.

"May sabon pa. Hindi ka pala marunong..."

"Uh..." Tiningnan ko iyon at mayroon nga. "Si Royce nito. Hindi niya siguro naayos..."

"Hmm..." she snorted and washed the remaining spoon and fork again.

Bago ko pa siya mapigilan ay nagsalita na siya.

"Pumunta kayo sa bar kagabi? Uminom?"

"Ah... Oo."

Sinabi pala ni Royce. I thought he only answered vaguely.

"So when do you plan to stop drinking?"

"H-Huh?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ba alcoholic ka? Dapat umiwas ka sa alak."

"I'm not alcoholic."

"Oh yeah? Did you have yourself checked by a professional para sabihin na hindi ka nga addict?"

Naiirita ako. Hindi ko alam kung bitter ba ako o ano pero naiirita na talaga ako.

"No. But I know I'm not."

"You're not a professional. You can't diagnose yourself."

Nilagay niya ang mga hinugasang kutsara at tinidor sa tabi ng mga bread knife. Nagpunas na rin siya ng kamay at ngumiti sa akin.

"If you really want to get out of this relationship with him, then get it over with and clean your name. Fast. Dahil hindi na rin siya natutuwa sa nangyayaring 'to. Nakakasakal."

What? She knows?

She smiled. "You are using him to cover you up, right? To make you look sophisticated cuz your image was trash."

"What did you say?" mariin kong tanong.

"I'm just saying that the faster you accept your sitauation, the faster your problems are solved. Pareho n'yo namang ayaw 'to... Ikaw na lang ang hinihintay niya. Kung umayos ka, saka lang siya makakawala..."

Hindi ako makapaniwala na alam niya. Marami naman ding nakakaalam sa pamilya ko pero...

"So stop being an addict and have yourself medically checked... maybe in some exclusive instution or something," she said suggestively. "And then let him go..."

Sa kaba ko, hindi ako makahanap ng mga salita. Pero dahil nainis ako sa ngising iginawad niya at sa tono niya kanina, nabawi ko ang sarili ko.

"Bakit? Nag-aabang ka na makawala siya?" nagtaas ako ng kilay at sumilay ang ngisi sa labi ko.

Napawi ang ngisi niya.

"Are you done?" I heard Royce call.

"Excuse me. Kausapin ko lang si Tiya, Royce. Magaling pala si Sky maghugas ng pinggan."

Royce chuckled. "That's her talent," he joked.

Pero nagtagal na sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Lavender. And I knew the answer to my own question, even if she didn't really confirm it.

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Where stories live. Discover now