Kabanata 5

575K 24.2K 11.1K
                                    

Kabanata 5

Kiss


Hindi gaya sa naunang date namin na nakasunod ako sa kanya habang magkaholding hands kami, ngayon iba. I was marching alone to the hotel's entrance as he stalked behind me, trying to keep up.

Marami ang bumabati sa kanya, ganoon din sa akin. Marami ang pumuna sa pagpasok namin at may ibang mababang klase na walang hiya hiyang kumuha pa ng candid shots namin.

Even though he greeted those who greeted him, he tried to keep up with me. Tumigil ako nang nasa harap na ng waitress para maigiya sa naka reserve na lamesa para sa amin. Nakaabot siya sa akin at mabilis na humawak sa baywang ko.

"Dito po."

Sabay na kaming lumakad sa tamang lamesa, hindi ko na sinita ang hawak niya kahit na irita pa ako sa kanya. We would only make a scene if I do anything.

In a gentleman way, he assisted me with my chair, bago siya naupo sa harap ko. Hindi pa nag-iilang segundo ay natigilan na ako sa kinauupuan. I saw a familiar face not far from our table. I swallowed hard and looked at Royce. Napansin niya ang reaksiyon ko kaya bumaling siya sa pinanggalingan ng tingin ko.

Zane is here, too. He's with a woman and he's watching us!

"Shall we serve the first course, sir?"

"Yes, please," Royce ordered.

Tahimik ako habang tinititigan ang tubig sa harap ko.

"Who's that? Your suitor?"

Mad at Royce's words, I lifted my eyes on him. Hindi ba nangkasundo kami na huwag nang mag-usap pa?

Hindi ko na lang siya sinagot para hindi na humaba ang usapan. He chuckled a bit.

"Well, that was fast. And you loved him?"

"Like me, it's just a pragmatic relationship for him, too."

Natigilan siya. Nagkatinginan kami.

"How can you be sure? He told you that? And you believe it?"

Hindi ako nakapagsalita.

"You have a bad taste for boys..." umiling siya at natahimik nang dumating na ang pagkain naming dalawa.

Hindi na rin ako nagsalita pero mariin ang titig ko sa kanya. Siya naman, paminsan minsan na lang ang sulyap dahil ramdam niya siguro ang mariin kong titig.

Tahimik kaming kumain. Papalit palit ang sulyap namin sa isa't-isa pero mas madalas ang sulyap niya sa akin. I glanced at Zane's way. May kasama siyang babae pero sa akin ang tingin niya. He looked serious as he watched our table.

Wala akong maramdaman sa anyo niya at sa kasama niyang babae. I realized now that it's not about him... or us. He is the very picture of my freedom... the choice. At ang pagtanaw sa kanya sa malayo, walang magawa, iyon ang nagpaalala sa sakit sa akin. I will be wedded to the man in front of me, even when I don't even like him.

Hindi ko alam kung ilang beses ko pang mare-realize ito at tingin ko, tuwing naiisip ko iyon, hindi ko kailanman matatanggap ng buo. I will always feel like it's surreal. I would always think it's all just a stupid nightmare.

After our third course, I didn't have the appetite for the next. Ni hindi ko nakain ng maayos ang lahat ng mga nauna kaya tumayo na ako.

"I'll just go to the toilet," paalam ko.

Hindi ko na hinintay ang approval ni Royce at dumiretso na ako patungong bathroom.

Nasa pasilyo pa lang ay may humawak na sa braso ko. I expected it to be Royce so I immediately said something.

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon