"Siguro hindi ka sanay. You're a Rockwell. Marami ka sigurong taga sunod na kasambahay."

Well, that's true but I hate to admit it.

"Naku, oo nga pala!"

"So sinong nagluluto ng breakfast, Royce?" si Lav habang kumukuha rin ng pagkain niya.

"Siyempre ako..." Royce smirked at her.

Parang may pumilas sa puso ko nang nakita ang ngitian nila. Kumain na lang ako sa nilagay ni Royce sa akin. Masarap pero unang subo pa lang, wala na akong gana.

"Everyday?"

"Si Sky naman ang naghuhugas ng pinggan kaya walang problema," Royce chuckled and looked at me.

"Marunong ka palang maghugas ng pinggan, hija..."

"Opo. Marunong naman pong maglinis din," sabi ko at uminom ng tubig.

"Eto kasing dalawang 'to, halos kami na ang nagpalaki ng Tiyo mo..."

Lavender chuckled and looked at Royce. Royce smiled at her then looked at her Tita.

I swallowed hard and nodded. Nag-angat muli ng tingin kay Tiya.

"Tinuro talaga namin sa kanila ang paglilinis at pagluluto kasi siyempre, hindi naman kami laging nandiyan. Paano kung sila na lang ang maiwan? Walang kasambahay at walang pera kaya mas maganda na marunong sila sa gawaing bahay nang mabuhay sila kahit wala kami."

Alam ko namang pangaral iyon pero bakit na-o-offend ako? Bakit parang sampal sa pagpapalaki sa akin? Na maraming kasambahay at marangya na hindi na kailangang matuto na maglinis o magluto dahil may gagawa naman noon para sa akin. My parents are always there for me. And if they're gone, we have the money to make everything work for me.

"Parehas kasi silang maagang naulila rin."

"Tiya, ganoon talaga kasi mahirap lang tayo. Pero kahit naman ako, kung magkaanak na ngayong kaya ko silang mapalaki ng mas magaan ang buhay, gagawin ko rin iyon."

"Maayos din naman tayong napalaki? Mas okay nga iyon dahil marunong tayo sa buhay. Yumaman man o humirap, walang problema dahil kaya natin," si Lavender.

"You've got a point but I certainly won't let my daughter cook something on the kitchen when she's younger. At maghihintay lang ako kung kailan niya gustong matuto. Ganoon siguro sa mga Rockwell, Tiya..."

"Uh... Oo. Actually my brothers know the chores. Lalo na dahil pareho silang nakabukod ngayon," bawi ko.

"So... that means you can learn the chores if you want to, right?" si Lavender Soledad.

Hindi ko talaga alam kung bitter ba ako o may kakaibang kahulugan iyon.

"Yeah. Natuto din naman ako ng kaunti pero hindi lang talaga kailangan... sa bahay."

Royce chuckled. "Dito mapipilitan siyang maghugas ng pinggan dahil kaming dalawa na lang."

Nagkatinginan kami. I smiled a bit, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Baka pagkatapos ng ilang buwan, kukuha na talaga kami ng kasambahay."

"Ayos pa naman. May tagalinis naman at nakakapaghugas naman ako ng pinggan."

"'Yong dating tagalinis mo, Royce?" si Lav.

So she really comes here?

Naisip ko tuloy ang nangyari kagabi. Nasa kuwarto niya kami. Hindi kaya... doon din sila ng babaeng ito?

Wait... why am I thinking about them? They're not doing that, right? They're just friends!

Damn it! What's wrong with me, why am I so bitter?

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Where stories live. Discover now