"Nice to meet you." She smiled.

She's pretty. Matangkad at pormal. Tingin ko rin ilang beses ko na siyang nakita. Siguro madalas siya sa kompanya. She's wearing a white formal dress now and she looked very sophisticated. Hindi makapal ang make up pero lutang naa lutang pa rin ang ganda niya.

Diniretso ni Royce ang pagkain sa kusina. Nagmano ako kay Tito pagkatapos kong maipakilala kay Lavender.

"Excuse me, tulungan ko lang si Royce sa kusina..." she said and proceeded to walk towards the right door.

Naisip ko tuloy... madalas siguro siya rito. Mukhang alam na alam niya ang mga... pasikot-sikot.

"Kumusta ka naman? Kumusta ang biyahe n'yo? At... trabaho?"

Inusisa ako ni Tiya sa sala. Hindi ko magawang magconcentrate sa pinag-uusapan dahil lumilipad ang isipan ko sa kusina. Si Royce at Lavender ang nandoon. May pinag-uusapan kaya sila? Ano naman?

Bakit ba kasi siya nandito? Hindi ba pang pamilya 'to?

I was so uncomfortable. Hindi ko madiresto ang mga sagot ko katitingin ko sa kusina. Hindi rin ako makahanap ng tiyempo na magsabing pumunta kami roon dahil tuloy-tuloy ang usisa ni Tiya.

"Anong sa'bi ng parents mo nang nagpunta sila rito?"

"Okay lang po..."

Biglang lumabas si Royce galing sa kusina. I swallowed hard and my heart skipped.

"Tiya, dito na po kayo mag kuwentuhan at may tanghalian na po."

Buti na lang!

Dumiretso na kami sa kusina at naabutan ko si Lavender na nag-aayos ng mga kubyertos. It was done in a nice way, like how my mom does it. I know how to do those things too, lalo na dahil mahilig ako sa designing pero talagang naunahan niya ako ngayon.

"Ang galing mo talaga sa table setting, hija, Lavender..." si Tiya.

Tumawa si Lavender. "Basics lang, Tiya..."

"Naku, ako hindi marunong sa ganyan!"

Naupo si Royce sa kabisera. Ako naman sa gilid niya at ayon kay Tita, si Lavender ang dapat na umupo sa kabilang gilid ni Royce. Tumabi si Tiya sa kanya at si Tiyo ang katabi ko.

I felt very uncomfortable that she's in front of me and she's beside Royce. I really felt the waves of bitterness inside of me. Kahit maliit na bagay lang naman iyon. Posisyon lang naman sa pagkain. At ngayon, hindi lang sa kanya pumapait ang sikmura ko. Pati na rin sa Tiya ni Royce...

Yumuko ako at tiningnan ang mga pagkain.

"This looks good," puna ko sa order ni Royce na pasta.

"Gawa ko 'yan. Nagdala kami ng pagkain dito..." inunahan ni Lavender.

"Oh... Well... it looks good!" sabi ko.

She smiled. "Thank you."

"Masarap talaga 'yan. Magaling magluto si Lav ng lasagna. Kuha ka, hija!" Tiya encouraged me.

"Oh... Opo..."

"Gusto mo ba?" Royce smirked. "I'll get you some."

Siya na ang kumuha noong serving spoon at naglagay sa pinggan ko. Pipigilan ko sana siya pero kinausap naman ako ni Tiya.

"Ikaw ba hija, marunong magluto?"

"Hindi pa, Tiya. Pero gusto niya namang matuto kaya ayos lang. At abala din kami sa trabaho kaya minsan, breakfast lang ang naluluto rito," si Royce.

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon