"Prince Byron Cornelius Camden," buong pagmamalaking wika ng prinsepe, na parang pangalan pa lang niya ay dapat ng luhuran "the most handsome Prince from the Southern Kingdom. Hinahanggaan ng mga kababaihan at iba pang kasarian, sa labas man o loob ng Southern Land. At sinasabi mo, Ama, na kailangan kong magpanggap na isang Prinsesa? Nahihibang ka na ata mahal na hari. Masyado akong makisig upang maging babae o kahit magpanggap lamang, patawad ngunit hindi ko kayang maging pamalit sa prinsesa"
Pilit na ginawang magalang ng prinsipe ang kanyang tono. Labis syang nagulat ng malaman ang dahilan ng pagpapatawag sa kanya ng Ama, hindi nya inaasahan. O mas tamang sabihin na, hindi kailanman sumagi sa kanyang isip na maaring ipagawa ito sa kanya ng mahal na hari.
"It's only until your sister heal, Anak. Masyadong malala sa ngayon ang sakit ng ating Prinsesa. Hindi sya maaring makita ng Northern Empire sa ganoong kalagayan, baka iurong nila ang kasal. Pakiusap mahal na prinsipe" The Southern Queen plead to her son.
"Ina, naiintindihan kong may malalang karamdaman si Prinsesa Krishna. But the request your asking is the epitome of the word impossible. Hindi ko kaya, Aming Reyna." Nakikiusap na rin ang tono ni Prince Byron.
"Pagbibigyan kitang dumalaw sa mundo ng mga mortal kung pauunlakan mo ang aming hiling. Iginagarantiya kong pagkatapos ng kasal at paggaling ng Prinsesa, agad kong ipahahanda ang iyong pagbisita sa mundo ng mga tao. You have my word, son" biglang saad ng Hari.
There's a law that runs in the entirety of the whole Magic World not to meddle with the humans. A law that only the kings, queens or the highest council can make exemptions. Bilang isang prinsipe lamang, hindi maaring labagin ni Byron ang batas na iyon. At kahit gaano man syang nagpumilit sa hari noon, ni hindi man lang sya pinakinggan ng ama. But now that the King himself offers it as the end of the bargain, he can't help but think how serious this is for the royal highness.
"S-sigurado ka ba Ama? You're not bluffing?" hindi pa rin makapaniwala ang prinsipe. Baka sinusubukan lamang siya ng hari ngunit ng makita ang seryosong expresyon ng hari, ang nasabi nya na lamang ay, "Kung ganoon malugod kong tinatanggap Your Highness."
Isang pangahas na desisyon, sinong prinsipeng nasa matinong pag-iisip ang papayag na magpanggap bilang prinsesa? Isang kahibangan. Yet the picture of the human world is enough for him to do anything, even pretending as a goddam girl. What can go wrong anyway. This'll be done in a jiffy.
At doon nagsimula ang preparasyon ng prinsipe sa pagpapanggap na isang prinsesa.
Mapagtagumpayan niya kaya ang hiling ng mga magulang? Anong klaseng prinsipe kaya ang Northern Prince? Madali nya kaya itong malilinlang? Or will he be the one to be deceived.
