Aniya ni Marjorie na pinapaintindi sa'kin ang mga sinabi niya dahil tila ba nakalimutan ko iyon.

"Pag-iisipan ko ang mga sinabe mo." Sukong saad ko.

"Ilang taon mo ulit pag-iisipan? Another 8 years? 10? Or more?"

Masyadong pranka si Marjorie pero hindi ako nagalit dito kailanman dahil siya lang ang nakaka-unawa sa'kin bilang isang ina.

"Iyan din ang sinabe mo noon nang isang taon palang ang mga kambal mo. Ilang taon pa ang hihintayin mo? Hanggang sa mahuli ka? Ysabella Carina, ayaw ko lang na dumating ang araw na iiyak ka dahil sa matinding pagsisisi."

Alam kong seryoso si Marjorie sa mga sinasabi niya lalo pa't tinawag na ako nito sa buong pangalan ko.

"Pasabi sa kambal na maaga akong umalis," Aniya ko pero umiling lang si Marjorie. "Mag-iisip lang ako, Maj." Dagdag ko.

"Hindi ako nagkulang sa pagpayo sayo. Hilingin mo na sana mali ang mga sinabe ko...Gigisingin ko lang sila."

Tumango na lang ako bago lumabas ng mansion. Pinatunog ko ang pulang kotse bago ako umikot patungo sa driver seat, ibinaba ko ang rare mirror ng sasakyan para don manalamin at mag-ayos.

Konting lip gloss at powder lang ang nilagay ko at hinayaan kong nakalugay ang buhok ko na abot hanggang sa dibdib ko. Chiffon blouse na pula ang suot ko na tinernohan ng purong puti na fitted white pants dahil gusto ko lang na magmukang simple ngayon. Wala namang meeting sa Paradise hotel, titingnan ko lang ang mga documents sa office ko na hindi ko pa nababasa at makikibalita na rin ako sa secretary ko tungkol kina papa at Don Victorino at tita Amanda na nasa Madrid na ngayon.

Resorts at subdivision ang halos nasa gilid ng kalsada na pagmamay-ari nina tita Amanda, may mga stall din sa gilid at kainan pero hindi sikip ang lugar kung titingnan dahil sa mas lamang pa rin ang matatayog na mga puno kaya sariwa pa rin ang hangin. Ang Centro Paraiso ang kapital ng El Paradiso na maihahalintulad sa isang maunlad na siyudad kung saan nandon nakatayo ang Paradise hotel at mga malls.

Pinark ko ang sasakyan sa parking lot sa likod ng Paradise hotel at doon na rin ako sumakay ng elevator patungo sa floor kung nasaan ang opisina ko.

"Mia, anong meron?"

Nagtataka kong tanong sa secretary ko pagkapasok ko sa opisina ko dahil mukang tensiyunado ito. Binuhay ko ang computer na nasa mesa at agad kong binuksan ang mga files at data ng Paradise hotel.

"Naipasa mo na ba sa office ni tita Amanda ang standard sales ng hotel?"

Tanong ko sa secretary ko na hindi inaalis ang mga mata sa screen ng computer.

"Ah..opo! Na-email ko na po."

"Okay ka lang? Mukang paranoid ka?"

Natatawa kong tanong sa secretary ko na umupo na sa maliit na couch dito sa loob ng opisina ko.

"May nag check-in po kase sa Room 0456 kahit unavailable po 'yon."

"WHAT?!"

Napapikit ang secretary ko dahil sa pagsigaw ko. Tanging si Don Victorino at tita Amanda lang ang p'wedeng gumamit ng kwartong iyon maliban na lang kung ipapagamit nila ito sa iba.

"Sino raw ang nag check-in? Bakit ibinigay ng receptionist ang kwartong iyon?! Alam na ba ito nina tita Amanda?!"

Sunod-sunod kong tanong sa secretary ko. Inabot ko ang telepono na nasa table ko at sinubukan kong tawagan ang numero nina tita Amanda kaso busy ang linya nito.

"Ma'am Ysabel, kakilala raw po nina madame Amanda at Don Victorino ang guest na nasa Room 0456."

Sagot ng secretary ko kaya ibinaba ko na ang telepono.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now