49

3 1 0
                                    

"Gagi hyung lika dito!"
pag akbay sakin ni Winwin at hinila ako palayo kina Taeyong.


Compet day na kasi namin ngayon at kakabalik lang namin ulit sa dressing room. Umalis kasi kami kanina nina Taeyong para bumili ng snacks.


"Hoy pag ako pinaprank mo lang sasapakin kita" giit ko


"Hyung kelan ba ko nang prank?" di na ako nakapagsalita dahil totoo naman na di nang praprank si Winwin "Oh ayan ah. Enjoy!" pag tawa niya saka nag abot ng isang box


Nang buksan ko yung box nagulat ako dahil may 'omamori' isang goodluck charm na ginagamit sa Japan tas sa ilalim nun may mga chocolates at takoyaki. Napangiti naman ako nun dahil kahit late na natapos shooting niya kagabi nag effort pa talaga siya. Saka isang Sana Minatozaki binigyan ako ng ganto? Kung sinabi mo sakin yan months ago na mangyayare 'to baka tinawanan lang kita. Tas ngayon? Hay Lord! Favorite mo talaga ako! Pero teka pano niya nalaman mga hilig ko?


"Huy ayos yan ah! May manliligaw ka kuys?" nagulat ako nang tumabi sakin si Renjun


"Uy takoyaki penge!" paglapit ni Chenle


"Hala sino nag bigay nito? May secret admirer ka?" pag akbay sakin ni Kun


"Baka bigay ng fanbase niya yan. Lam mo naman matinik yan" giit ni Jungwoo na may nginunguya pang burger. Natawa naman ako nun.


"Wag kayo magulo. Bigay 'to ng crush ko" pag tabi ko nung box


"Eto nanaman si Yuta. Sino ba kasi talaga yang crush na yan?" giit ni Johnny at nag silapitan na sila sakin halos lahat.


Pinagtataboy ko naman sila kasi ang dami nilang tanong. Mga chismoso talaga ang mga 'to, wala ng pinag bago. Wala silang kaidea idea na si Sana talaga ang nag bigay nito sakin, ang nag iisang crush ko. Shet! Ang sarap pakinggan na yung crush ko binigyan ako ng ganto. Para akong tangang kinikilig.

𝙄𝙙𝙤𝙡  || YutaWhere stories live. Discover now